Jeremias 20:8-9
Jeremias 20:8-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Tuwing ako'y magsasalita at sisigaw ng “Karahasan! Pagkawasak!” Pinagtatawanan nila ako't hinahamak, sapagkat ipinapahayag ko ang iyong salita. Ngunit kung sabihin kong, “Kalilimutan ko na si Yahweh at hindi na ako magsasalita para sa kanyang pangalan,” para namang apoy na naglalagablab sa aking kalooban ang iyong mga salita, apoy na nakakulong sa aking mga buto. Sinikap kong tiisin ito, ngunit hindi ko na kayang pigilin pa.
Jeremias 20:8-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Tuwing ako'y magsasalita at sisigaw ng “Karahasan! Pagkawasak!” Pinagtatawanan nila ako't hinahamak, sapagkat ipinapahayag ko ang iyong salita. Ngunit kung sabihin kong, “Kalilimutan ko na si Yahweh at hindi na ako magsasalita para sa kanyang pangalan,” para namang apoy na naglalagablab sa aking kalooban ang iyong mga salita, apoy na nakakulong sa aking mga buto. Sinikap kong tiisin ito, ngunit hindi ko na kayang pigilin pa.
Jeremias 20:8-9 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kapag nagsasalita ako, isinisigaw ko po ang mensahe nʼyo PANGINOON tungkol sa karahasan at pagkawasak! At dahil sa ipinasasabi nʼyong ito, pinagtatawanan po nila ako at kinukutya. Kung minsan, naiisip kong huwag na lang akong magsalita ng tungkol sa inyo o sabihin ang ipinapasabi ninyo. Pero hindi ko po mapigilan, dahil ang mga salita nʼyo ay parang apoy na nagniningas sa puso at mga buto ko. Pagod na ako sa kapipigil dito.
Jeremias 20:8-9 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't kung paano kadalas nagsasalita ako, humihiyaw ako; humihiyaw ako, Pangdadahas at paninira; sapagka't ang salita ng Panginoon ay naging kakutyaan sa akin, at kadustaan, lahat ng araw. At kung aking sabihin, Hindi ko babanggitin siya, o magsasalita ng ano pa man sa kaniyang pangalan, mayroon nga sa aking puso na wari nagaalab na apoy na nakukulong sa aking mga buto, at ako'y pagod ng pagpipigil, at hindi makapagpigil.
Jeremias 20:8-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)