Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Jeremias 20:9 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Jeremias 20:9 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Ngunit kung sabihin kong, “Kalilimutan ko na si Yahweh at hindi na ako magsasalita para sa kanyang pangalan,” para namang apoy na naglalagablab sa aking kalooban ang iyong mga salita, apoy na nakakulong sa aking mga buto. Sinikap kong tiisin ito, ngunit hindi ko na kayang pigilin pa.

Jeremias 20:9 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Kung minsan, naiisip kong huwag na lang magsalita ng tungkol sa inyo o sabihin ang ipinasasabi ninyo. Ngunit hindi ko po mapigilan, dahil ang mga salita ninyo ay parang apoy na nagniningas sa aking puso at mga buto. Pagod na ako sa kapipigil dito.

Jeremias 20:9 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Ngunit kung sabihin kong, “Kalilimutan ko na si Yahweh at hindi na ako magsasalita para sa kanyang pangalan,” para namang apoy na naglalagablab sa aking kalooban ang iyong mga salita, apoy na nakakulong sa aking mga buto. Sinikap kong tiisin ito, ngunit hindi ko na kayang pigilin pa.

Jeremias 20:9 TLAB (Ang Biblia)

At kung aking sabihin, Hindi ko babanggitin siya, o magsasalita ng ano pa man sa kaniyang pangalan, mayroon nga sa aking puso na wari nagaalab na apoy na nakukulong sa aking mga buto, at ako'y pagod ng pagpipigil, at hindi makapagpigil.

Jeremias 20:9 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))