Jeremias 46:27
Jeremias 46:27 Ang Biblia (TLAB)
Nguni't huwag kang matakot, Oh Jacob na aking lingkod, ni manglupaypay ka, Oh Israel: sapagka't narito, ililigtas kita mula sa malayo, at ang iyong lahi ay mula sa lupain ng kanilang pagkabihag; at ang Jacob ay babalik, at magiging tahimik at tiwasay, at walang tatakot sa kaniya.
Jeremias 46:27 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Ngunit huwag kang matakot, lingkod kong Jacob; at huwag kang manlupaypay, Israel. Ililigtas ko kayo, kahit saan kayo naroon; kahit nasa lupain ng pagkabihag ang inyong mga anak. Manunumbalik ang payapang pamumuhay ni Jacob, at siya'y sasagana at wala nang katatakutan.
Jeremias 46:27 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Pero kayong mga taga-Israel na lahi ng lingkod ko na si Jacob, huwag kayong manlulupaypay o matatakot. Sapagkat ililigtas ko kayo mula sa malayong lugar kung saan kayo binihag. Muli kayong mamumuhay nang payapa at walang anumang panganib, at walang sinumang mananakot pa sa inyo.
Jeremias 46:27 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Ngunit huwag kang matakot, lingkod kong Jacob; at huwag kang manlupaypay, Israel. Ililigtas ko kayo, kahit saan kayo naroon; kahit nasa lupain ng pagkabihag ang inyong mga anak. Manunumbalik ang payapang pamumuhay ni Jacob, at siya'y sasagana at wala nang katatakutan.
Jeremias 46:27 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)