Jeremias 47:1-2
Jeremias 47:1-2 Ang Biblia (TLAB)
Ang salita ng Panginoon na dumating kay Jeremias na propeta tungkol sa mga Filisteo, bago sinaktan ni Faraon ang Gaza. Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, tubig ay umaahon mula sa hilagaan, at magiging baha, at aapawan ang lupain at ang lahat na nangaroon, ang bayan at ang nagsisitahan doon; at ang mga tao ay magsisihiyaw, at lahat ng mananahan sa lupain ay magsisitangis.
Jeremias 47:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ito ang pahayag na tinanggap ni Jeremias kay Yahweh tungkol sa mga Filisteo bago sinalakay ni Faraon ang Gaza: “Tumataas ang tubig sa hilaga, at babaha, ito'y aapaw sa buong lupain; magpapasaklolo ang mga tao, maghihiyawan sa matinding takot.
Jeremias 47:1-2 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ito ang sinabi ng PANGINOON kay Propeta Jeremias tungkol sa Filistia noong hindi pa sinasalakay ng Faraon ang Gaza: “May bansang sasalakay mula sa hilaga na parang baha na aapaw sa buong lupain. Wawasakin ng bansang ito ang lahat ng lungsod pati ang mga mamamayan nito. Magsisigawan at mag-iiyakan nang malakas ang mga tao dahil sa takot.
Jeremias 47:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ito ang pahayag na tinanggap ni Jeremias kay Yahweh tungkol sa mga Filisteo bago sinalakay ni Faraon ang Gaza: “Tumataas ang tubig sa hilaga, at babaha, ito'y aapaw sa buong lupain; magpapasaklolo ang mga tao, maghihiyawan sa matinding takot.
Jeremias 47:1-2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)