Juan 11:11-16
Juan 11:11-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Idinugtong pa ni Jesus, “Natutulog ang kaibigan nating si Lazaro. Pupunta ako upang gisingin siya.” “Panginoon, kung natutulog lang po siya ay gagaling siya,” sagot ng mga alagad. Ang ibig sabihin ni Jesus ay patay na si Lazaro, ngunit ang akala ng mga alagad ay talagang natutulog lamang ito. Dahil dito'y tuwirang sinabi ni Jesus, “Patay na si Lazaro; ngunit ako'y nagagalak dahil wala ako roon upang kayo'y sumampalataya sa akin. Tayo na, puntahan natin siya.” Niyaya ni Tomas, na tinatawag na Kambal, ang kanyang mga kasama, “Sumama tayo sa Guro, mamamatay tayong kasama niya.”
Juan 11:11-16 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pagkatapos, sinabi pa ni Jesus, “Ang kaibigan nating si Lazarus ay natutulog. Pupunta ako roon upang gisingin siya.” Sinabi ng mga tagasunod niya, “Panginoon, kung natutulog siya, gagaling pa siya.” Ang akala nilaʼy natutulog lang si Lazarus, pero ang ibig sabihin ni Jesus ay patay na ito. Kaya tinapat sila ni Jesus, “Patay na si Lazarus. Ngunit nagpapasalamat ako na wala ako roon, dahil ang gagawin kong himala sa kanya ay para sa kabutihan ninyo, upang lalo pa kayong sumampalataya sa akin. Tayo na, puntahan natin siya.” Si Tomas na tinatawag na Kambal ay nagsabi sa mga kapwa niya tagasunod, “Sumama tayo sa kanya, kahit mamatay tayong kasama niya.”
Juan 11:11-16 Ang Biblia (TLAB)
Ang mga bagay na ito'y sinalita niya: at pagkatapos nito'y sinabi niya sa kanila, Si Lazaro na ating kaibigan ay natutulog; nguni't ako'y paroroon, upang gisingin ko siya sa pagkakatulog. Sinabi nga ng mga alagad sa kaniya, Panginoon, kung siya'y natutulog, ay siya'y gagaling. Sinalita nga ni Jesus ang tungkol sa kaniyang pagkamatay: datapuwa't sinapantaha nila na ang sinalita ay ang karaniwang pagtulog. Nang magkagayon nga ay sinabi sa kanila ni Jesus ng malinaw, Si Lazaro ay patay. At ikinagagalak ko dahil sa inyo rin na ako'y wala roon, upang kayo'y magsipaniwala; gayon ma'y tayo na sa kaniya. Si Tomas nga, na tinatawag na Didimo, ay nagsabi sa mga kapuwa niya alagad, Tayo'y magsiparoon din naman, upang tayo'y mangamatay na kasama niya.
Juan 11:11-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Idinugtong pa ni Jesus, “Natutulog ang kaibigan nating si Lazaro. Pupunta ako upang gisingin siya.” “Panginoon, kung natutulog lang po siya ay gagaling siya,” sagot ng mga alagad. Ang ibig sabihin ni Jesus ay patay na si Lazaro, ngunit ang akala ng mga alagad ay talagang natutulog lamang ito. Dahil dito'y tuwirang sinabi ni Jesus, “Patay na si Lazaro; ngunit ako'y nagagalak dahil wala ako roon upang kayo'y sumampalataya sa akin. Tayo na, puntahan natin siya.” Niyaya ni Tomas, na tinatawag na Kambal, ang kanyang mga kasama, “Sumama tayo sa Guro, mamamatay tayong kasama niya.”
Juan 11:11-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)