Juan 12:13
Juan 12:13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kumuha sila ng mga palapa ng palmera, at lumabas sila sa lunsod upang siya'y salubungin. Sila'y sumisigaw, “Purihin ang Diyos. Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon! Purihin ang Hari ng Israel!”
Juan 12:13 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kaya kumuha sila ng mga palaspas at sinalubong si Jesus. Sumisigaw sila, “Purihin ang Dios! Pagpalain ang dumarating na ito sa pangalan ng Panginoon. Pagpalain ang Hari ng Israel!”
Juan 12:13 Ang Biblia (TLAB)
Ay nagsikuha ng mga palapa ng mga puno ng palma, at nagsilabas na sumalubong sa kaniya, na nagsisigawan, Hosanna: Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon, sa makatuwid baga'y ang Hari ng Israel.
Juan 12:13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)