Juan 17:1 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Juan 17:1 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, tumingala siya sa langit at kanyang sinabi, “Ama, dumating na ang oras; parangalan mo na ang iyong Anak upang maparangalan ka niya.
Juan 17:1 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Pagkasabi ni Hesus ng mga bagay na ito, tumingala siya sa langit at sinabi, “Ama, dumating na ang oras. Parangalan mo ako na iyong Anak para maparangalan din kita.
Juan 17:1 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, tumingala siya sa langit at kanyang sinabi, “Ama, dumating na ang oras; parangalan mo na ang iyong Anak upang maparangalan ka niya.
Juan 17:1 TLAB (Ang Biblia)
Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak
Juan 17:1 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))