Juan 17:15-19
Juan 17:15-19 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Hindi ko idinadalanging kunin mo sila sa daigdig na ito, kundi iligtas mo sila sa Masama! Hindi sila taga-sanlibutan, tulad ko na hindi rin taga-sanlibutan. Italaga mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo ang katotohanan. Kung paanong isinugo mo ako sa sanlibutan, gayundin naman, isinusugo ko sila sa sanlibutan. At alang-alang sa kanila'y itinalaga ko sa iyo ang aking sarili, upang maitalaga rin sila sa pamamagitan ng katotohanan.
Juan 17:15-19 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Hindi ko idinadalangin na alisin mo sila sa sanglibutan, kundi ingatan mo sila mula sa masama. Hindi sila taga sanglibutan, na gaya ko naman na hindi taga sanglibutan. Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan. Kung paanong ako'y iyong sinugo sa sanglibutan, sila'y gayon ding sinusugo ko sa sanglibutan. At dahil sa kanila'y pinabanal ko ang aking sarili, upang sila naman ay mangagpakabanal sa katotohanan.
Juan 17:15-19 Ang Salita ng Dios (ASND)
Hindi ko idinadalangin na kunin mo na sila sa mundo, kundi ingatan mo sila laban kay Satanas. Hindi sila makamundo, tulad ko na hindi makamundo. Ibukod mo sila upang maging iyo sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo ay katotohanan. Isinugo mo ako rito sa mundo, kaya isinusugo ko rin sila sa mundo upang mangaral. Alang-alang sa kanila, itinatalaga ko ang aking sarili sa iyo, upang sila man ay maitalaga sa iyo sa pamamagitan ng katotohanan.
Juan 17:15-19 Ang Biblia (TLAB)
Hindi ko idinadalangin na alisin mo sila sa sanglibutan, kundi ingatan mo sila mula sa masama. Hindi sila taga sanglibutan, na gaya ko naman na hindi taga sanglibutan. Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan. Kung paanong ako'y iyong sinugo sa sanglibutan, sila'y gayon ding sinusugo ko sa sanglibutan. At dahil sa kanila'y pinabanal ko ang aking sarili, upang sila naman ay mangagpakabanal sa katotohanan.
Juan 17:15-19 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)