Juan 3:1-4 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Juan 3:1-4 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
May isang iginagalang na pinuno ng mga Judio. Siya ay si Nicodemo. Kabilang din siya sa grupo ng mga Pariseo. Isang gabi, pumunta siya kay Jesus at sinabi, “Guro, nalalaman po naming kayo'y isang tagapagturong mula sa Diyos, sapagkat walang makakagawa ng mga himalang ginagawa ninyo kung wala sa inyo ang Diyos.” Sumagot si Jesus, “Pakatandaan mo: malibang ipanganak na muli ang isang tao, hindi niya makikita ang paghahari ng Diyos.” “Paanong maipapanganak pang muli ang isang taong matanda na? Makakapasok pa ba siya sa sinapupunan ng kanyang ina para muling isilang?” tanong ni Nicodemo.
Juan 3:1-4 ASD (Ang Salita ng Diyos)
May isang Pariseo na nagngangalang Nicodemo. Isa siya sa mga pinuno ng mga Hudyo. Isang gabi, pumunta siya kay Hesus at sinabi, “Rabbi, alam naming isa kayong tagapagturo na nagmula sa Diyos, dahil walang makagagawa ng mga himalang ginagawa ninyo, maliban kung sumasakanya ang Diyos.” Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa iyo ang totoo, walang sinumang makakaranas sa paghahari ng Diyos, malibang ipanganak siyang muli.” Nagtanong si Nicodemo, “Paanong maipapanganak muli ang isang taong matanda na? Hindi naman siya puwedeng bumalik sa tiyan ng kanyang ina upang ipanganak muli!”
Juan 3:1-4 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
May isang iginagalang na pinuno ng mga Judio. Siya ay si Nicodemo. Kabilang din siya sa grupo ng mga Pariseo. Isang gabi, pumunta siya kay Jesus at sinabi, “Guro, nalalaman po naming kayo'y isang tagapagturong mula sa Diyos, sapagkat walang makakagawa ng mga himalang ginagawa ninyo kung wala sa inyo ang Diyos.” Sumagot si Jesus, “Pakatandaan mo: malibang ipanganak na muli ang isang tao, hindi niya makikita ang paghahari ng Diyos.” “Paanong maipapanganak pang muli ang isang taong matanda na? Makakapasok pa ba siya sa sinapupunan ng kanyang ina para muling isilang?” tanong ni Nicodemo.
Juan 3:1-4 TLAB (Ang Biblia)
May isang lalake nga sa mga Fariseo, na nagngangalang Nicodemo, isang pinuno ng mga Judio: Ito rin ay naparoon sa kaniya nang gabi, at sa kaniya'y nagsabi, Rabi, nalalaman naming ikaw ay isang guro na nagbuhat sa Dios; sapagka't walang makagagawa ng mga tanda na iyong ginagawa, maliban na kung sumasa kaniya ang Dios. Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios. Sinabi sa kaniya ni Nicodemo, Paanong maipanganganak ang tao kung siya'y matanda na? makapapasok baga siyang bilang ikalawa sa tiyan ng kaniyang ina, at ipanganak?
Juan 3:1-4 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))