Juan 4:53 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Juan 4:53 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Naalala ng ama na noong oras na iyon sinabi sa kanya ni Jesus, “Gagaling ang inyong anak.” Kaya't siya at ang kanyang buong sambahayan ay sumampalataya kay Jesus.
Juan 4:53 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Naalala ng opisyal na sa oras ding iyon ay sinabi sa kanya ni Hesus, “Mabubuhay ang iyong anak.” Kaya siya at ang kanyang buong sambahayan ay sumampalataya kay Hesus.
Juan 4:53 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Naalala ng ama na noong oras na iyon sinabi sa kanya ni Jesus, “Gagaling ang inyong anak.” Kaya't siya at ang kanyang buong sambahayan ay sumampalataya kay Jesus.
Juan 4:53 TLAB (Ang Biblia)
Naunawa nga ng ama na sa oras na yaon nang sabihin sa kaniya ni Jesus, Buhay ang anak mo: at siya'y sumampalataya, at ang kaniyang buong sangbahayan.
Juan 4:53 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
Naunawa nga ng ama na sa oras na yaon nang sabihin sa kaniya ni Jesus, Buhay ang anak mo: at siya'y sumampalataya, at ang kaniyang buong sangbahayan.