Juan 9:25-41 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Juan 9:25-41 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Sumagot siya, “Hindi ko po alam kung siya'y masamang tao, o hindi. Isang bagay po ang alam ko; ako'y dating bulag, subalit ngayo'y nakakakita na.” “Ano ang ginawa niya sa iyo? Paano niyang pinagaling ang iyong mga mata?” tanong nila. Sumagot siya, “Sinabi ko na po sa inyo, at ayaw naman ninyo akong paniwalaan. Bakit gusto ninyong marinig muli? Nais ba ninyong maging alagad din niya?” At siya'y kanilang minura, “Ikaw ay alagad niya! Ngunit kami'y mga alagad ni Moises. Nalalaman naming nagsalita ang Diyos kay Moises ngunit ang taong iyon, ni hindi namin alam kung saan siya nanggaling!” Sumagot ang lalaki, “Iyan nga po ang nakapagtataka! Hindi ninyo alam kung saan siya nanggaling, gayunpaman, pinagaling niya ang aking mga mata. Alam nating hindi pinapakinggan ng Diyos ang mga makasalanan, ngunit pinapakinggan niya ang mga tunay na sumasamba sa kanya at sumusunod sa kanyang kalooban. Noon pa man ay walang nakapagpapagaling ng mata ng taong ipinanganak na bulag. Wala pong magagawa ang taong iyon kung siya'y hindi mula sa Diyos!” Sumagot sila, “Ipinanganak kang makasalanan at ngayo'y nais mo pa kaming turuan!” At siya'y kanilang itiniwalag. Nabalitaan ni Jesus na ang lalaking pinagaling niya ay itiniwalag ng mga Pariseo. Kaya't nang matagpuan niya ito ay kanyang tinanong, “Sumasampalataya ka ba sa Anak ng Tao?” Sumagot ang lalaki, “Sino po ba siya, Ginoo? Sabihin ninyo sa akin upang ako'y manalig sa kanya.” “Siya'y nakita mo na. Siya ang kausap mo ngayon,” wika ni Jesus. “Sumasampalataya po ako, Panginoon!” sabi ng lalaki. At sinamba niya si Jesus. Sinabi pa ni Jesus, “Naparito ako sa mundong ito upang humatol, at nang sa gayo'y makakita ang mga bulag at mabulag naman ang mga nakakakita.” Narinig ito ng ilang Pariseong naroon at siya'y kanilang tinanong, “Ibig mo bang sabihi'y mga bulag kami?” Sumagot si Jesus, “Kung kayo nga'y bulag, wala sana kayong kasalanan. Ngunit dahil sinasabi ninyong nakakakita kayo, ang kasalanan ay nananatili sa inyo.”
Juan 9:25-41 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Sumagot ang lalaki, “Hindi ko po alam kung makasalanan siya o hindi. Ang alam ko lang ay dati akong bulag, pero nakakakita na ngayon.” Tinanong pa nila ang lalaki, “Ano ang ginawa niya sa iyo? Paano ka niya pinagaling?” Sumagot siya, “Sinabi ko na po sa inyo, ngunit ayaw naman ninyong maniwala. Bakit gusto ninyong marinig ulit ang sagot ko? Gusto rin po ba ninyong maging mga alagad niya?” Dahil dito ay ininsulto nila ang lalaki. Sinabi nila, “Alagad ka niya, pero kami ay mga alagad ni Moises. Alam naming nakipag-usap ang Diyos kay Moises, ngunit ang taong iyon ay hindi namin alam kung saan nanggaling!” Sumagot ang lalaki, “Iyan nga po ang nakapagtataka. Hindi nʼyo alam kung saan siya nanggaling, pero pinagaling niya ang mata ko. Alam nating hindi pinapakinggan ng Diyos ang mga makasalanan, ngunit ang sinumang may takot sa Diyos at gumagawa ng kanyang kalooban ay pinakikinggan niya. Kailanmaʼy wala pa tayong narinig na may taong nakapagpagaling ng taong ipinanganak na bulag. Kung hindi nanggaling sa Diyos ang taong iyon, hindi niya magagawa ang himalang ito.” Sumagot ang mga pinuno ng mga Hudyo, “Ipinanganak kang makasalanan! At ang lakas pa ng loob mo ngayon na pangaralan kami!” At ipinagtabuyan nila ito sa sinagoga. Nabalitaan ni Hesus na pinaalis sa sinagoga ang dating bulag, kaya hinanap niya ito. At nang matagpuan niya, tinanong niya ito, “Sumasampalataya ka ba sa Anak ng Tao?” Sumagot ang lalaki, “Sino po siya? Sabihin nʼyo po sa akin upang sumampalataya ako sa kanya.” Sinabi ni Hesus sa kanya, “Nakita mo na siya, at siya ang kausap mo ngayon.” Sinabi agad ng lalaki, “Panginoon, sumasampalataya po ako sa inyo.” At lumuhod siya at sumamba kay Hesus. Sinabi ni Hesus, “Naparito ako sa mundo upang hatulan ang mga tao nang sa gayoʼy ang mga bulag ay makakita, ang mga nakakakita ay maging bulag.” Narinig ito ng ilang Pariseong naroon, at nagtanong sila, “Sinasabi mo bang mga bulag din kami?” Sumagot si Hesus, “Kung totoong bulag kayo, wala sana kayong kasalanan. Ngunit dahil sinasabi ninyong hindi kayo bulag, nananatili pa rin kayong may kasalanan.”
Juan 9:25-41 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sumagot siya, “Hindi ko po alam kung siya'y masamang tao, o hindi. Isang bagay po ang alam ko; ako'y dating bulag, subalit ngayo'y nakakakita na.” “Ano ang ginawa niya sa iyo? Paano niyang pinagaling ang iyong mga mata?” tanong nila. Sumagot siya, “Sinabi ko na po sa inyo, at ayaw naman ninyo akong paniwalaan. Bakit gusto ninyong marinig muli? Nais ba ninyong maging alagad din niya?” At siya'y kanilang minura, “Ikaw ay alagad niya! Ngunit kami'y mga alagad ni Moises. Nalalaman naming nagsalita ang Diyos kay Moises ngunit ang taong iyon, ni hindi namin alam kung saan siya nanggaling!” Sumagot ang lalaki, “Iyan nga po ang nakapagtataka! Hindi ninyo alam kung saan siya nanggaling, gayunpaman, pinagaling niya ang aking mga mata. Alam nating hindi pinapakinggan ng Diyos ang mga makasalanan, ngunit pinapakinggan niya ang mga tunay na sumasamba sa kanya at sumusunod sa kanyang kalooban. Noon pa man ay walang nakapagpapagaling ng mata ng taong ipinanganak na bulag. Wala pong magagawa ang taong iyon kung siya'y hindi mula sa Diyos!” Sumagot sila, “Ipinanganak kang makasalanan at ngayo'y nais mo pa kaming turuan!” At siya'y kanilang itiniwalag. Nabalitaan ni Jesus na ang lalaking pinagaling niya ay itiniwalag ng mga Pariseo. Kaya't nang matagpuan niya ito ay kanyang tinanong, “Sumasampalataya ka ba sa Anak ng Tao?” Sumagot ang lalaki, “Sino po ba siya, Ginoo? Sabihin ninyo sa akin upang ako'y manalig sa kanya.” “Siya'y nakita mo na. Siya ang kausap mo ngayon,” wika ni Jesus. “Sumasampalataya po ako, Panginoon!” sabi ng lalaki. At sinamba niya si Jesus. Sinabi pa ni Jesus, “Naparito ako sa mundong ito upang humatol, at nang sa gayo'y makakita ang mga bulag at mabulag naman ang mga nakakakita.” Narinig ito ng ilang Pariseong naroon at siya'y kanilang tinanong, “Ibig mo bang sabihi'y mga bulag kami?” Sumagot si Jesus, “Kung kayo nga'y bulag, wala sana kayong kasalanan. Ngunit dahil sinasabi ninyong nakakakita kayo, ang kasalanan ay nananatili sa inyo.”
Juan 9:25-41 TLAB (Ang Biblia)
Sumagot nga siya, Kung siya'y makasalanan ay hindi ko nalalaman: isang bagay ang nalalaman ko, na, bagaman ako'y naging bulag, ngayo'y nakakakita ako. Sinabi nga nila sa kaniya, Ano ang ginawa niya sa iyo? paano ang pagkapadilat niya sa iyong mga mata? Sinagot niya sila, Kasasabi ko lamang sa inyo, at hindi ninyo pinakinggan; bakit ibig ninyong marinig uli? ibig baga naman ninyong kayo'y maging mga alagad niya? At siya'y kanilang inalipusta, at sinabi, Ikaw ang alagad niya; datapuwa't kami'y mga alagad ni Moises. Nalalaman naming nagsalita ang Dios kay Moises: datapuwa't tungkol sa taong ito, ay hindi namin nalalaman kung taga saan siya. Sumagot ang tao at sa kanila'y sinabi, Narito nga ang kagilagilalas, na hindi ninyo nalalaman kung siya'y taga saan, at gayon ma'y pinadilat niya ang aking mga mata. Nalalaman naming hindi pinakikinggan ng Dios ang mga makasalanan: datapuwa't kung ang sinomang tao'y maging mananamba sa Dios, at ginagawa ang kaniyang kalooban, siya'y pinakikinggan niya. Buhat nang lalangin ang sanglibutan ay hindi narinig kailan man na napadilat ng sinoman ang mga mata ng isang taong ipinanganak na bulag. Kung ang taong ito'y hindi galing sa Dios, ay hindi makagagawa ng anoman. Sila'y nagsisagot at sa kaniya'y sinabi, Ipinanganak kang lubos sa mga kasalanan, at ikaw baga ang nagtuturo sa amin? At siya'y pinalayas nila. Nabalitaan ni Jesus na siya'y pinalayas nila; at pagkasumpong sa kaniya, ay sinabi niya, Sumasampalataya ka baga sa Anak ng Dios? Sumagot siya at sinabi. At sino baga siya, Panginoon, upang ako'y sumampalataya sa kaniya? Sinabi sa kaniya ni Jesus, Siya'y nakita mo na, at siya nga na nakikipagsalitaan sa iyo. At sinabi niya, Panginoon, sumasampalataya ako. At siya'y sinamba niya. At sinabi ni Jesus, Sa paghatol ay naparito ako sa sanglibutang ito, upang ang mga hindi nakakakita ay mangakakita; at upang ang mga nakakakita, ay maging mga bulag. Yaong mga Fariseo na kasama niya ay nangakarinig ng mga bagay na ito, at sinabi sa kaniya, Kami baga naman ay mga bulag din? Sa kanila'y sinabi ni Jesus, Kung kayo'y mga bulag, ay hindi kayo magkakaroon ng kasalanan: datapuwa't ngayo'y sinasabi ninyo, Kami'y nangakakakita: nananatili ang inyong kasalanan.
Juan 9:25-41 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))