Job 17:11-12
Job 17:11-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Tapos na ang mga araw ko, bigo ang aking mga plano, ang aking pag-asa'y tuluyan nang naglaho. Sabi nila, ang gabi ay araw na rin, malapit na raw ang liwanag, ngunit alam kong ako'y nasa dilim pa rin.
Ibahagi
Basahin Job 17Job 17:11-12 Ang Salita ng Dios (ASND)
Malapit nang matapos ang mga araw ko. Bigo ang mga plano koʼt hinahangad. Pero sinasabi ng iba na baka sakaling maging mabuti rin ang kalagayan ko sa hinaharap, dahil sa kabila raw ng dilim ay may liwanag.
Ibahagi
Basahin Job 17Job 17:11-12 Ang Biblia (TLAB)
Ang aking mga kaarawan ay lumipas, ang aking mga panukala ay nangasira, sa makatuwid baga'y ang mga akala ng aking puso. Kanilang ipinalit ang araw sa gabi: ang liwanag, wika nila, ay malapit sa kadiliman.
Ibahagi
Basahin Job 17