Joel 2:1-4
Joel 2:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Hipan ninyo ang pakakak sa Sion, at mangagpatunog kayo ng hudyat sa aking banal na bundok; manginig ang lahat na mananahan sa lupain: sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating, sapagka't malapit na; Araw ng kadiliman at ng pagkukulimlim, araw ng mga ulap at ng pagsasalimuot ng dilim, gaya ng liwayway na namumukadkad sa mga bundok; isang malaking bayan at matibay; hindi nagkaroon kailan man ng gaya niyaon, ni magkakaroon pa man pagkatapos ng mga yaon, hanggang sa mga taon ng maraming sali't saling lahi. Isang apoy ang sumusupok sa harap nila; at sa likuran nila'y isang liyab ang sumusunog: ang lupain ay parang halamanan sa Eden sa harap nila, at sa likuran nila'y isang sirang ilang; oo, at walang nakatanan sa kanila. Ang anyo nila ay parang anyo ng mga kabayo; at kung paano ang mga mangangabayo, gayon sila nagsisitakbo.
Joel 2:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Hipan ninyo ang trumpeta sa Zion at ibigay ang hudyat sa banal na bundok ng Diyos. Manginig kayong mga taga-Juda, sapagkat malapit nang dumating ang araw ni Yahweh. Ito'y makulimlim at malungkot na araw, madilim ang buong kapaligiran; at lilitaw ang napakakapal na balang tulad ng paglaganap ng dilim sa kabundukan. Hindi pa nangyayari ang ganito nang mga nakaraang panahon, at hindi na mangyayari pang muli maging sa darating na panahon. Nilalamon nilang tulad ng apoy ang mga halaman. Parang halamanan ng Eden ang lupain bago sila dumating, ngunit naging malungkot na ilang nang kanilang iwan; wala silang itinira. Parang mga kabayo ang kanilang anyo, waring mga kabayong pandigma kung sila'y tumakbo.
Joel 2:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
Hipan ninyo ang trumpeta upang bigyang babala ang mga tao sa Zion, ang banal na bundok ng PANGINOON. Lahat kayong nakatira sa Juda, manginig kayo sa takot, dahil malapit na ang araw ng paghatol ng PANGINOON. Magiging maulap at madilim ang araw na iyon. Kakalat ang napakaraming balang sa mga kabundukan na parang sinag ng araw kapag nagbubukang-liwayway. Wala pang nangyaring kagaya nito noon, at hindi na mangyayari ang katulad nito kahit kailan. Sunud-sunod na sumalakay ang mga balang na parang apoy. Bago sila dumating ang lupain ay parang halamanan ng Eden. Pero nang masalakay na nila, para na itong disyerto. Wala silang halaman na itinira. Parang kabayo ang kanilang anyo, at mabilis sila tulad ng mga kabayong pandigma.
Joel 2:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Hipan ninyo ang pakakak sa Sion, at mangagpatunog kayo ng hudyat sa aking banal na bundok; manginig ang lahat na mananahan sa lupain: sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating, sapagka't malapit na; Araw ng kadiliman at ng pagkukulimlim, araw ng mga ulap at ng pagsasalimuot ng dilim, gaya ng liwayway na namumukadkad sa mga bundok; isang malaking bayan at matibay; hindi nagkaroon kailan man ng gaya niyaon, ni magkakaroon pa man pagkatapos ng mga yaon, hanggang sa mga taon ng maraming sali't saling lahi. Isang apoy ang sumusupok sa harap nila; at sa likuran nila'y isang liyab ang sumusunog: ang lupain ay parang halamanan sa Eden sa harap nila, at sa likuran nila'y isang sirang ilang; oo, at walang nakatanan sa kanila. Ang anyo nila ay parang anyo ng mga kabayo; at kung paano ang mga mangangabayo, gayon sila nagsisitakbo.
Joel 2:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)