Joel 3:15-16
Joel 3:15-16 Ang Biblia (TLAB)
Ang araw at ang buwan ay nagdidilim, at pinipigil ng mga bituin ang kanilang kislap. At ang Panginoo'y aangal mula sa Sion, at palalakasin ang kaniyang tinig mula sa Jerusalem; at ang langit at ang lupa ay mangayayanig: nguni't ang Panginoon ay magiging kanlungan sa kaniyang bayan, at katibayan sa mga anak ni Israel.
Joel 3:15-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang araw at ang buwan ay nagdidilim, at pinipigil ng mga bituin ang kanilang kislap. At ang Panginoo'y aangal mula sa Sion, at palalakasin ang kaniyang tinig mula sa Jerusalem; at ang langit at ang lupa ay mangayayanig: nguni't ang Panginoon ay magiging kanlungan sa kaniyang bayan, at katibayan sa mga anak ni Israel.
Joel 3:15-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Hindi na magliliwanag ang araw at ang buwan, at hindi na rin kikislap ang mga bituin. Dumadagundong mula sa Bundok ng Zion ang tinig ni Yahweh, mula sa Jerusalem ang kanyang tinig ay naririnig; nanginginig ang langit at lupa. Subalit ipagtatanggol niya ang kanyang bayan.
Joel 3:15-16 Ang Salita ng Dios (ASND)
Magdidilim ang araw at ang buwan, at hindi na magliliwanag ang mga bituin. Aatungal na parang leon ang PANGINOON mula sa Zion; dadagundong ang kanyang tinig mula sa Jerusalem. Kaya mayayanig ang lupa at langit. Pero ang PANGINOON ang matibay na kanlungan para sa mga Israelita na kanyang mamamayan.
Joel 3:15-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)