Josue 6:17
Josue 6:17 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang buong lunsod at ang anumang matatagpuan doon ay wawasakin bilang handog kay Yahweh. Si Rahab lamang at ang kanyang mga kasambahay ang ililigtas sapagkat itinago niya ang ating mga isinugo roon.
Ibahagi
Basahin Josue 6Josue 6:17 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang buong lungsod at ang lahat ng makukuha rito ay wawasakin nang lubusan bilang handog na buo sa PANGINOON. Si Rahab lang na babaeng bayaran at ang buo niyang sambahayan niya ang ililigtas dahil itinago niya ang mga espiya natin.
Ibahagi
Basahin Josue 6Josue 6:17 Ang Biblia (TLAB)
At ang bayan ay matatalaga sa Panginoon, yaon at ang lahat na tumatahan doon: si Rahab na patutot lamang ang mabubuhay, siya at ang lahat na kasama niya sa bahay, sapagka't kaniyang ikinubli ang mga sugo na ating sinugo.
Ibahagi
Basahin Josue 6