Judas 1:8-9
Judas 1:8-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ganyan din ang mga taong ito, dahil sa kanilang mga pangitain ay dinudungisan nila ang kanilang sariling katawan, hinahamak nila ang kapangyarihan ng Diyos at nilalait ang mariringal na anghel. Kahit si Miguel na pinuno ng mga anghel, nang makipagtalo siya sa diyablo tungkol sa bangkay ni Moises, ay hindi nangahas gumamit ng paglapastangan. Ang tanging sinabi niya ay “Parusahan ka nawa ng Panginoon!”
Judas 1:8-9 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ganyan din ang mga taong nakapasok sa inyo nang hindi ninyo namalayan. May mga pangitain sila na nag-uudyok sa kanila na gumawa ng kahalayan sa sarili nilang katawan. At dahil din sa mga pangitaing iyon, ayaw nilang magpasakop sa kapangyarihan ng Panginoon, at nilalait nila ang mga makapangyarihang nilalang. Kahit na si Micael na pinuno ng mga anghel ay hindi nanlait ng ganoon. Sapagkat nang makipagtalo siya sa diyablo kung sino sa kanila ang kukuha ng bangkay ni Moises, hindi siya nangahas umakusa nang may panlalait. Sa halip, sinabi lang niya, “Sawayin ka ng Panginoon!”
Judas 1:8-9 Ang Biblia (TLAB)
Gayon ma'y ang mga ito rin naman sa kanilang pagkagupiling ay inihahawa ang laman, at hinahamak ang mga paghahari, at nilalait ang mga puno. Datapuwa't ang arkanghel Miguel, nang makipaglaban sa diablo, na nakikipagtalo tungkol sa katawan ni Moises, ay hindi nangahas gumamit laban sa kaniya ng isang hatol na may pagalipusta, kundi sinabi, Sawayin ka nawa ng Panginoon.
Judas 1:8-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ganyan din ang mga taong ito, dahil sa kanilang mga pangitain ay dinudungisan nila ang kanilang sariling katawan, hinahamak nila ang kapangyarihan ng Diyos at nilalait ang mariringal na anghel. Kahit si Miguel na pinuno ng mga anghel, nang makipagtalo siya sa diyablo tungkol sa bangkay ni Moises, ay hindi nangahas gumamit ng paglapastangan. Ang tanging sinabi niya ay “Parusahan ka nawa ng Panginoon!”
Judas 1:8-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)