Mga Panaghoy 1:2
Mga Panaghoy 1:2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Buong kapaitan siyang umiiyak sa magdamag, ang mga mata'y laging luhaan; lumayo na ang lahat at walang natira kahit isa upang umaliw sa kanya. Ang dati niyang mga kaibigan ngayon ay naging mga kaaway na.
Mga Panaghoy 1:2 Ang Salita ng Dios (ASND)
Buong pait siyang umiiyak magdamag. Mga luha niyaʼy dumadaloy sa kanyang mga pisngi. Walang dumamay sa kanya, isa man sa kanyang mga minamahal. Pinagtaksilan siya ng lahat ng kaibigan niya, na ngayoʼy kanyang kaaway.
Mga Panaghoy 1:2 Ang Biblia (TLAB)
Siya'y umiiyak na lubha sa gabi, at ang mga luha niya ay dumadaloy sa kaniyang mga pisngi; sa lahat ng mangingibig sa kaniya ay walang umaliw sa kaniya: ginawan siya ng kataksilan ng lahat ng kaniyang mga kaibigan; sila'y naging kaniyang mga kaaway.
Mga Panaghoy 1:2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Buong kapaitan siyang umiiyak sa magdamag, ang mga mata'y laging luhaan; lumayo na ang lahat at walang natira kahit isa upang umaliw sa kanya. Ang dati niyang mga kaibigan ngayon ay naging mga kaaway na.
Mga Panaghoy 1:2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Siya'y umiiyak na lubha sa gabi, at ang mga luha niya ay dumadaloy sa kaniyang mga pisngi; Sa lahat ng mangingibig sa kaniya ay walang umaliw sa kaniya: Ginawan siya ng kataksilan ng lahat ng kaniyang mga kaibigan; sila'y naging kaniyang mga kaaway.