Mga Panaghoy 1:20
Mga Panaghoy 1:20 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Masdan mo ako, O Yahweh, sapagkat labis akong nababagabag. Naliligalig ang aking kaluluwa, ako'y lubhang naguguluhan, sapagkat naging mapaghimagsik ako. Kabi-kabila ang patayan, sa loob at labas ng kabahayan.
Mga Panaghoy 1:20 Ang Salita ng Dios (ASND)
“PANGINOON, masdan nʼyo po ang aking kagipitan! Nababagabag at parang pinipiga ang puso ko, dahil naghihimagsik ako sa inyo. Kabi-kabila ang patayan sa aking mga lansangan pati na sa loob ng bahay ko.
Mga Panaghoy 1:20 Ang Biblia (TLAB)
Masdan mo, Oh Panginoon; sapagka't ako'y nasa kapanglawan; ang aking puso ay namamanglaw; ang aking puso ay nagugulumihanan; sapagka't ako'y lubhang nanghimagsik: sa labas ay tabak ang lumalansag, sa loob ay may parang kamatayan.
Mga Panaghoy 1:20 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Masdan mo ako, O Yahweh, sapagkat labis akong nababagabag. Naliligalig ang aking kaluluwa, ako'y lubhang naguguluhan, sapagkat naging mapaghimagsik ako. Kabi-kabila ang patayan, sa loob at labas ng kabahayan.
Mga Panaghoy 1:20 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Masdan mo, Oh Panginoon; sapagka't ako'y nasa kapanglawan; ang aking puso ay namamanglaw; Ang aking puso ay nagugulumihanan; sapagka't ako'y lubhang nanghimagsik: Sa labas ay tabak ang lumalansag, sa loob ay may parang kamatayan.