Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Panaghoy 3:21-24 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Mga Panaghoy 3:21-24 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Gayunma'y nanunumbalik ang aking pag-asa kapag naalala kong: Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay. Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo'y napakadakila. Si Yahweh ay akin, sa kanya ako magtitiwala.

Mga Panaghoy 3:21-24 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Ngunit nanunumbalik ang aking pag-asa sapagkat aking naalala: Dahil ang pag-ibig at awa ng PANGINOON ay walang katapusan kaya hindi tayo tuluyang nalipol. Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag. Dakila ang katapatan ng PANGINOON! Kaya sinabi ko sa aking sarili, “Ang PANGINOON ang lahat para sa akin, kaya sa kanya ako nagtitiwala.”

Mga Panaghoy 3:21-24 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Gayunma'y nanunumbalik ang aking pag-asa kapag naalala kong: Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay. Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo'y napakadakila. Si Yahweh ay akin, sa kanya ako magtitiwala.

Mga Panaghoy 3:21-24 TLAB (Ang Biblia)

Ito ang ginugunita ko sa aking pagiisip; kaya't may pagasa ako. Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos. Ang mga yao'y bago tuwing umaga, dakila ang inyong pagtatapat. Ang Panginoon ay aking bahagi, sabi ng aking kaluluwa; kaya't ako'y aasa sa kaniya.

Mga Panaghoy 3:21-24 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))