Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Levitico 1:3-17 - Compare All Versions

Levitico 1:3-17 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

“Kung baka ang kanyang handog na susunugin, kailangang ito'y lalaki at walang kapintasan. Dadalhin niya ito sa may pintuan ng Toldang Tipanan upang maging kalugud-lugod sa akin. Ipapatong niya sa ulo ng hayop ang kanyang kamay at iyo'y tatanggapin bilang pantubos sa kanyang kasalanan. Pagkatapos, papatayin niya ito sa harapan ko at ang dugo'y ibubuhos ng mga paring mula sa angkan ni Aaron sa palibot ng altar, sa may pintuan ng Toldang Tipanan. Babalatan niya ang hayop saka kakatayin. Ang mga pari nama'y maglalagay ng baga sa altar at iaayos sa ibabaw nito ang kahoy na panggatong. Ihahanay nila nang maayos sa ibabaw ng apoy ang mga pira-pirasong karne, kasama ang ulo at taba. Ngunit dapat muna nilang hugasan ang laman-loob at ang mga paa bago ilagay sa altar. Pagkatapos, ang lahat ng ito'y sama-samang susunugin bilang handog, upang ang usok nito'y maging mabangong samyo sa akin. “Kung tupa o kambing ang ihahandog, kailangang ito'y lalaki rin at walang kapintasan. Papatayin ito ng naghahandog sa harapan ni Yahweh sa gawing hilaga ng altar at ang dugo'y ibubuhos ng mga pari sa paligid ng altar. Kakatayin niya ito at ihahanay ng pari sa ibabaw ng apoy sa altar ang mga piraso ng karne kasama ang ulo at taba. Ang laman-loob at mga paa ay dapat munang hugasan bago ilagay sa altar. Pagkatapos, ang lahat ay susunugin upang ang usok nito'y maging mabangong samyo sa akin. “Kung ibon ang handog na susunugin, ang dadalhin niya'y batu-bato o kalapati. Ibibigay niya ito sa pari upang dalhin sa altar. Pipilipitin ng pari ang leeg ng ibon at ang dugo'y patutuluin sa paligid ng altar. Aalisin niya ang balahibo't bituka ng ibon at ihahagis sa tapunan ng abo, sa gawing silangan ng altar. Bibiyakin niya ang katawan nito ngunit hindi paghihiwalayin. Pagkatapos, susunugin niya ito sa altar bilang handog upang ang usok nito'y maging mabangong samyo sa akin.”

Levitico 1:3-17 ASD (Ang Salita ng Diyos)

“ ‘Kung ang iaalay niya ay isang handog na sinusunog mula sa kawan ng mga baka, kinakailangang ito ay lalaki at walang kapintasan. Dadalhin niya ito malapit sa pintuan ng Toldang Tipanan, upang itoʼy maging katanggap-tanggap sa PANGINOON. Pagkatapos, ipapatong ng nag-alay ang kanyang kamay sa ulo ng hayop, at ang handog na sinusunog na itoʼy tatanggapin bilang kapalit niya, upang matubos siya sa kanyang kasalanan. Pagkatapos, kakatayin niya ang baka sa presensya ng PANGINOON, at ang dugo nitoʼy iwiwisik ng mga anak ni Aaron na mga pari sa paligid ng altar, sa bandang pintuan ng Toldang Tipanan. Pagkatapos, babalatan at hihiwain ng naghahandog ang handog na sinusunog. Magpapaningas ng apoy ang mga lalaking anak ng paring si Aaron sa ibabaw ng altar at maglalagay ng panggatong sa ibabaw nito. Pagkatapos, ilalagay nila nang maayos sa apoy ang mga hiniwang karne, pati ang ulo at taba. Ngunit huhugasan muna ng nag-alay ang mga lamang-loob at mga hita, at pagkatapos ay susunugin ng pari ang mga ito sa altar bilang handog na sinusunog. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa PANGINOON. “ ‘Kung ang iaalay naman ay handog na sinusunog mula sa kawan ng tupa o kambing, kailangang itoʼy lalaki at walang kapintasan. Kakatayin ito sa harapan ng PANGINOON doon sa gawing hilaga ng altar. At ang dugo nitoʼy iwiwisik ng mga anak ni Aaron na mga pari sa paligid ng altar. Hihiwain ito ng naghandog, at maayos itong ilalagay ng pari sa apoy, pati na ang ulo at taba. Pagkatapos, huhugasan ng naghahandog ang mga lamang-loob at mga paa, at saka ibibigay sa pari para sunugin sa altar bilang handog na sinusunog. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa PANGINOON. “ ‘Kung ang iaalay naman bilang handog na sinusunog para sa PANGINOON ay ibon, kinakailangang ito ay kalapati o batu-bato. Dadalhin ito ng pari sa altar, pipilipitin niya ang leeg nito hanggang sa maputol at patutuluin ang dugo sa paligid ng altar. Ang ulo nito ay susunugin doon sa altar. Pagkatapos, aalisin ng pari ang balahibo at bituka nito, at ihahagis sa gawing silangan ng altar kung saan inilalagay ang abo. At pagkatapos, bibiyakin niya ang ibon sa pamamagitan ng paghila ng mga pakpak nito, ngunit hindi niya paghihiwalayin, at saka niya susunugin ang ibon doon sa altar bilang handog na sinusunog. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa PANGINOON.’ ”

Levitico 1:3-17 TLAB (Ang Biblia)

Kung ang kaniyang alay ay handog na susunugin na kinuha sa bakahan, ang ihahandog niya'y isang lalake na walang kapintasan: sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ihahandog niya, upang tanggapin sa harap ng Panginoon. At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog na susunugin; at tatanggapin sa ikagagaling niya, upang gumawa ng pakikipagkasundo sa kaniya. At kaniyang papatayin ang guyang toro sa harap ng Panginoon: at ang mga anak ni Aaron, ang mga saserdote, ay siyang mangaghaharap ng dugo at iwiwisik ang dugo sa palibot ng dambana na nasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. At lalaplapin ang handog na susunugin, at kakatayin. At ang mga anak ni Aaron na saserdote ay magsisipaglagay ng apoy sa ibabaw ng dambana, at magsisipagayos ng kahoy sa apoy; At aayusin ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote, ang mga pinagputolputol, ang ulo, at ang taba, sa kahoy na nakapatong sa apoy na nasa ibabaw ng dambana: Datapuwa't ang mga lamang loob at ang mga paa, ay huhugasan niya ng tubig. At susunugin ng saserdote ang kabuoan sa ibabaw ng dambana na pinakahandog na susunugin, isang handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon. At kung ang kaniyang alay ay kinuha sa kawan, sa mga tupa, o sa mga kambing, na pinakahandog na susunugin; ang kaniyang ihahandog ay isang lalaking walang kapintasan. At kaniyang papatayin sa dakong hilagaan ng dambana, sa harap ng Panginoon: at iwiwisik ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote, ang dugo niyaon sa ibabaw ng dambana sa palibot. At kaniyang kakatayin pati ang ulo, at ang taba; at mga iaayos ng saserdote sa ibabaw ng kahoy na nasa apoy sa ibabaw ng dambana; Datapuwa't ang mga lamang loob at ang mga paa ay huhugasan ng tubig. At ihahandog ng saserdote ang kabuoan, at susunugin sa dambana: isa ngang handog na susunugin na isang handog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon. At kung ang kaniyang alay sa Panginoon ay handog na susunugin na mga ibon, ang ihahandog nga niyang alay ay mga batobato o mga inakay ng kalapati. At dadalhin ng saserdote sa dambana, at pupugutan ng ulo yaon, at susunugin sa ibabaw ng dambana; at ang dugo'y pipigain sa tabi ng dambana: At aalisin niya ang butsi pati ang mga balahibo, at ihahagis sa tabi ng dambana, sa dakong silanganan, sa kinalalagyan ng mga abo: At babaakin na hahawakan sa mga pakpak, datapuwa't hindi pakakahatiin. At susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana, sa ibabaw ng kahoy na nasa apoy: isa ngang handog na susunugin, na isang handog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.

Levitico 1:3-17 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

“Kung baka ang kanyang handog na susunugin, kailangang ito'y lalaki at walang kapintasan. Dadalhin niya ito sa may pintuan ng Toldang Tipanan upang maging kalugud-lugod sa akin. Ipapatong niya sa ulo ng hayop ang kanyang kamay at iyo'y tatanggapin bilang pantubos sa kanyang kasalanan. Pagkatapos, papatayin niya ito sa harapan ko at ang dugo'y ibubuhos ng mga paring mula sa angkan ni Aaron sa palibot ng altar, sa may pintuan ng Toldang Tipanan. Babalatan niya ang hayop saka kakatayin. Ang mga pari nama'y maglalagay ng baga sa altar at iaayos sa ibabaw nito ang kahoy na panggatong. Ihahanay nila nang maayos sa ibabaw ng apoy ang mga pira-pirasong karne, kasama ang ulo at taba. Ngunit dapat muna nilang hugasan ang laman-loob at ang mga paa bago ilagay sa altar. Pagkatapos, ang lahat ng ito'y sama-samang susunugin bilang handog, upang ang usok nito'y maging mabangong samyo sa akin. “Kung tupa o kambing ang ihahandog, kailangang ito'y lalaki rin at walang kapintasan. Papatayin ito ng naghahandog sa harapan ni Yahweh sa gawing hilaga ng altar at ang dugo'y ibubuhos ng mga pari sa paligid ng altar. Kakatayin niya ito at ihahanay ng pari sa ibabaw ng apoy sa altar ang mga piraso ng karne kasama ang ulo at taba. Ang laman-loob at mga paa ay dapat munang hugasan bago ilagay sa altar. Pagkatapos, ang lahat ay susunugin upang ang usok nito'y maging mabangong samyo sa akin. “Kung ibon ang handog na susunugin, ang dadalhin niya'y batu-bato o kalapati. Ibibigay niya ito sa pari upang dalhin sa altar. Pipilipitin ng pari ang leeg ng ibon at ang dugo'y patutuluin sa paligid ng altar. Aalisin niya ang balahibo't bituka ng ibon at ihahagis sa tapunan ng abo, sa gawing silangan ng altar. Bibiyakin niya ang katawan nito ngunit hindi paghihiwalayin. Pagkatapos, susunugin niya ito sa altar bilang handog upang ang usok nito'y maging mabangong samyo sa akin.”

Levitico 1:3-17 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))