Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Levitico 11:1-3 - Compare All Versions

Levitico 11:1-3 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron, “Ganito ang sabihin ninyo sa bayang Israel: Sa mga hayop na lumalakad sa lupa, makakain ninyo ang lahat ng hayop na biyak ang kuko at ngumunguya ng pagkaing mula sa sikmura.

Levitico 11:1-3 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Sinabi ng PANGINOON kina Moises at Aaron, “Sabihin ninyo sa mga Israelita: ‘Sa lahat ng mga hayop na nabubuhay sa lupa, ito ang mga puwede ninyong kainin: ang anumang hayop na naglalakad sa lupa na biyak ang kuko at nginunguyang muli ang kinain nito.

Levitico 11:1-3 TLAB (Ang Biblia)

At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sa kanila'y sinasabi, Inyong salitain sa mga anak ni Israel, na inyong sabihin, Ito ang mga bagay na may buhay na inyong makakain sa lahat ng mga hayop na nasa lupa. Alinmang may hati ang paa na baak at ngumunguya, sa mga hayop, ay inyong makakain.

Levitico 11:1-3 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron, “Ganito ang sabihin ninyo sa bayang Israel: Sa mga hayop na lumalakad sa lupa, makakain ninyo ang lahat ng hayop na biyak ang kuko at ngumunguya ng pagkaing mula sa sikmura.

Levitico 11:1-3 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))