Levitico 26:1
Levitico 26:1 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Huwag kayong gagawa ng mga diyus-diyosan o magtatayo ng mga inukit na rebulto o sagradong haligi, o mga batong hinugisan upang sambahin sa inyong lupain. Ako si Yahweh, ang Diyos ninyo.
Levitico 26:1 Ang Salita ng Dios (ASND)
Huwag kayong gagawa ng mga dios-diosan katulad ng mga inukit na imahen, mga alaalang bato, o batong may larawan para sambahin, dahil ako ang PANGINOON na inyong Dios.
Levitico 26:1 Ang Biblia (TLAB)
Huwag kayong gagawa para sa inyo ng mga diosdiosan, ni magtatayo kayo ng larawang inanyuan o haligi, ni huwag kayong maglalagay ng batong inanyuan sa inyong lupain, upang inyong yukuran yaon: sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios.
Levitico 26:1 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Huwag kayong gagawa ng mga diyus-diyosan o magtatayo ng mga inukit na rebulto o sagradong haligi, o mga batong hinugisan upang sambahin sa inyong lupain. Ako si Yahweh, ang Diyos ninyo.
Levitico 26:1 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)