Lucas 14:34-35
Lucas 14:34-35 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Mabuti ang asin, ngunit kung ang asin ay mawalan na ng alat, paano pa ito mapapaalat muli? Wala itong kabutihang maibibigay sa lupa, o kahit sa tambakan man ng dumi, kaya't ito'y itinatapon na lamang. Makinig ang may pandinig!”
Lucas 14:34-35 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Mabuti ang asin, pero kung mag-iba ang lasa, wala nang magagawa para maibalik ang lasa nito. Wala na itong pakinabang kahit ihalo sa dumi para maging pataba sa lupa, kaya itinatapon na lang ito ng mga tao. Kayong mga nakikinig, dapat ninyo itong unawain!”
Lucas 14:34-35 Ang Biblia (TLAB)
Mabuti nga ang asin: datapuwa't kung ang asin ay tumabang, ay ano ang ipagpapaalat? Walang kabuluhang maging sa lupa kahit sa tapunan man ng dumi: itinatapon sa labas. Ang may mga pakinig upang ipakinig, ay makinig.
Lucas 14:34-35 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)