Lucas 2:10-11 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Lucas 2:10-11 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Ngunit sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot! Ako'y may dalang magandang balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. Isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon.
Lucas 2:10-11 ASD (Ang Salita ng Diyos)
ngunit sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot dahil naparito ako para sabihin sa inyo ang magandang balita na magbibigay ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. Sapagkat isinilang ngayon sa bayan ni David ang Tagapagligtas, ang Mesias na siyang Panginoon.
Lucas 2:10-11 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ngunit sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot! Ako'y may dalang magandang balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. Isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon.
Lucas 2:10-11 TLAB (Ang Biblia)
At sinabi sa kanila ng anghel, Huwag kayong mangatakot; sapagka't narito, dinadalhan ko kayo ng mabubuting balita ng malaking kagalakan, na siyang sasa buong bayan: Sapagka't ipinanganak sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo ang Panginoon.
Lucas 2:10-11 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))