Lucas 24:1-7
Lucas 24:1-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Madilim-dilim pa nang unang araw ng sanlinggo, ang mga babae ay nagbalik sa libingan, dala ang mga pabangong inihanda nila. Nang dumating sila doon, nakita nilang naigulong na ang batong nakatakip sa libingan. Ngunit nang pumasok sila, wala roon ang bangkay ng Panginoong Jesus. Natigilan sila at nagtaka kung ano ang nangyari. Biglang lumitaw sa tabi nila ang dalawang lalaking nakakasilaw ang damit. Dahil sa matinding takot, sila'y nagpatirapa. Tinanong sila ng mga lalaki, “Bakit ninyo hinahanap ang buháy sa lugar ng mga patay? Wala siya rito, siya'y muling nabuhay! Alalahanin ninyo ang sinabi niya sa inyo noong nasa Galilea pa siya, ‘Ang Anak ng Tao ay kailangang ipagkanulo sa mga makasalanan at ipako sa krus, at sa ikatlong araw ay muling mabubuhay.’”
Lucas 24:1-7 Ang Salita ng Dios (ASND)
Madaling-araw ng Linggo, pumunta ang mga babae sa libingan dala ang mga pabangong inihanda nila. Nang dumating sila sa libingan, nakita nilang naalis na ang batong nakatakip sa pintuan ng libingan. Kaya pumasok sila sa loob, pero hindi nila nakita ang bangkay ng Panginoong Jesus. Habang naguguluhan sila sa pangyayari, bigla silang nakakita ng dalawang lalaking nakakasilaw ang damit, at nakatayo sa tabi nila. At dahil sa takot, napayuko sila sa lupa. Tinanong sila ng mga lalaki, “Bakit ninyo hinahanap ang buhay dito sa mga patay? Wala na siya rito. Nabuhay siyang muli! Hindi ba sinabi niya sa inyo noong nasa Galilea pa siya, na ang Anak ng Tao ay kailangang ibigay sa masasamang tao at ipako sa krus, pero mabubuhay siyang muli sa ikatlong araw?”
Lucas 24:1-7 Ang Biblia (TLAB)
Datapuwa't nang unang araw ng sanglinggo pagkaumagang-umaga, ay nagsiparoon sila sa libingan, na may dalang mga pabango na kanilang inihanda. At nasumpungan nilang naigulong na ang bato mula sa libingan. At sila'y nagsipasok, at hindi nila nangasumpungan ang bangkay ng Panginoong Jesus. At nangyari, na samantalang sila'y nangatitilihan dahil dito, narito, tumayo sa tabi nila ang dalawang lalake na nakasisilaw ang mga damit: At nang sila'y nangatatakot at nangakatungo ang kanilang mga mukha sa lupa ay sinabi nila sa kanila, Bakit hinahanap ninyo ang buhay sa gitna ng mga patay? Wala siya rito, datapuwa't nagbangon: alalahanin ninyo ang salita niya sa inyo nang siya'y nasa Galilea pa, Na sinasabi, Kinakailangan na ang Anak ng tao ay ibigay sa mga kamay ng mga taong makasalanan, at ipako sa krus, at magbangong muli sa ikatlong araw.
Lucas 24:1-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Madilim-dilim pa nang unang araw ng sanlinggo, ang mga babae ay nagbalik sa libingan, dala ang mga pabangong inihanda nila. Nang dumating sila doon, nakita nilang naigulong na ang batong nakatakip sa libingan. Ngunit nang pumasok sila, wala roon ang bangkay ng Panginoong Jesus. Natigilan sila at nagtaka kung ano ang nangyari. Biglang lumitaw sa tabi nila ang dalawang lalaking nakakasilaw ang damit. Dahil sa matinding takot, sila'y nagpatirapa. Tinanong sila ng mga lalaki, “Bakit ninyo hinahanap ang buháy sa lugar ng mga patay? Wala siya rito, siya'y muling nabuhay! Alalahanin ninyo ang sinabi niya sa inyo noong nasa Galilea pa siya, ‘Ang Anak ng Tao ay kailangang ipagkanulo sa mga makasalanan at ipako sa krus, at sa ikatlong araw ay muling mabubuhay.’”
Lucas 24:1-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Datapuwa't nang unang araw ng sanglinggo pagkaumagang-umaga, ay nagsiparoon sila sa libingan, na may dalang mga pabango na kanilang inihanda. At nasumpungan nilang naigulong na ang bato mula sa libingan. At sila'y nagsipasok, at hindi nila nangasumpungan ang bangkay ng Panginoong Jesus. At nangyari, na samantalang sila'y nangatitilihan dahil dito, narito, tumayo sa tabi nila ang dalawang lalake na nakasisilaw ang mga damit: At nang sila'y nangatatakot at nangakatungo ang kanilang mga mukha sa lupa ay sinabi nila sa kanila, Bakit hinahanap ninyo ang buháy sa gitna ng mga patay? Wala siya rito, datapuwa't nagbangon: alalahanin ninyo ang salita niya sa inyo nang siya'y nasa Galilea pa, Na sinasabi, Kinakailangan na ang Anak ng tao ay ibigay sa mga kamay ng mga taong makasalanan, at ipako sa krus, at magbangong muli sa ikatlong araw.