Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lucas 3:1-8

Lucas 3:1-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Ikalabinlimang taon noon ng paghahari ni Emperador Tiberio. Si Poncio Pilato ang gobernador sa Judea at si Herodes ang pinuno sa Galilea. Ang kapatid nitong si Felipe ang pinuno sa lupain ng Iturea at Traconite at si Lisanias ang pinuno sa Abilinia. Nang sina Anas at Caifas ang mga pinakapunong pari ng mga Judio, si Juan na anak ni Zacarias ay nakatira sa ilang. Ipinahayag ng Diyos ang kanyang salita kay Juan, kaya't nilibot niya ang mga lupain sa magkabilang panig ng Jordan. Siya'y nangaral, “Pagsisihan at talikuran ninyo ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo upang kayo'y patawarin ng Diyos.” Sa gayon, natupad ang nakasulat sa aklat ni Propeta Isaias, “Ito ang pahayag ng isang taong sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon. Gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran! Matatambakan ang bawat libis, at mapapatag ang bawat burol at bundok. Matutuwid ang daang liku-liko, at mapapatag ang daang baku-bako. At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas na gagawin ng Diyos!’” Marami ngang tao ang nagsilapit kay Juan upang magpabautismo. Ngunit sinabi niya sa kanila, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo upang tumakas sa kaparusahang darating? Ipakita ninyo sa pamamagitan ng gawa na nagsisisi na kayo, at huwag ninyong idahilan na mga anak kayo ni Abraham. Sinasabi ko sa inyo, mula sa mga batong ito ay makakalikha ang Diyos ng mga tunay na anak ni Abraham.

Lucas 3:1-8 Ang Salita ng Dios (ASND)

Noong ika-15 taon ng paghahari ni Emperador Tiberius, nagsalita ang Dios kay Juan na anak ni Zacarias doon sa ilang. Si Poncio Pilato ang gobernador noon ng Judea, si Herodes naman ang pinuno ng Galilea, at ang kapatid niyang si Felipe ang pinuno ng Iturea at Traconitis, at si Lisanias naman ang pinuno ng Abilenia. Ang mga punong pari noon ay sina Anas at Caifas. At dahil sa sinabi ng Dios kay Juan, nilibot niya ang mga lugar sa magkabilang panig ng Ilog ng Jordan. Nangaral siya sa mga tao na kailangan nilang pagsisihan ang kanilang mga kasalanan at magpabautismo, para patawarin sila ng Dios. Sa ginawa niyang ito, natupad ang isinulat ni Propeta Isaias, “Maririnig ang sigaw ng isang tao sa ilang, na nagsasabi: ‘Ihanda ninyo ang daan para sa Panginoon, tuwirin ninyo ang mga landas na kanyang dadaanan! Tambakan ninyo ang mga mababang lugar, at patagin ang mga bundok at burol. Tuwirin ninyo ang liku-likong daan, at ayusin ang mga baku-bakong daan. At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas ng Dios.’ ” Maraming tao ang pumunta kay Juan para magpabautismo. Sinabi niya sa kanila, “Kayong lahi ng mga ahas! Sino ang nagsabi sa inyo na makakatakas kayo sa darating na parusa ng Dios? Kung tunay na nagsisisi kayo sa inyong mga kasalanan, patunayan ninyo ito sa inyong mga gawa. Huwag ninyong isipin na hindi kayo mapaparusahan dahil mula kayo sa lahi ni Abraham. Sapagkat tandaan ninyo: kahit ang mga batong itoʼy magagawa ng Dios na maging mga anak ni Abraham.

Lucas 3:1-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)