Lucas 7:47-48
Lucas 7:47-48 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kaya sinasabi ko sa iyo na ang malaking pagmamahal na ipinakita niya sa akin ay nagpapatunay na pinatawad na ang marami niyang kasalanan. Pero ang taong kaunti lang ang kasalanang pinatawad ay kaunti rin ang ipinapakitang pagmamahal.” Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa babae, “Pinatawad na ang mga kasalanan mo.”
Lucas 7:47-48 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya't sinasabi ko sa iyo, malaki ang kanyang pagmamahal sapagkat maraming kasalanan ang pinatawad sa kanya; ngunit ang pinatawad ng kaunti ay kaunti rin lang ang nadaramang pagmamahal.” At sinabi niya sa babae, “Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.”
Lucas 7:47-48 Ang Biblia (TLAB)
Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ipinatatawad ang kaniyang maraming kasalanan; sapagka't siya ay umibig ng malaki: datapuwa't sa pinatatawad ng kaunti, ay kakaunti ang pagibig. At sinabi niya sa babae, Ipinatatawad ang iyong mga kasalanan.
Lucas 7:47-48 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kaya't sinasabi ko sa iyo, malaki ang kanyang pagmamahal sapagkat maraming kasalanan ang pinatawad sa kanya; ngunit ang pinatawad ng kaunti ay kaunti rin lang ang nadaramang pagmamahal.” At sinabi niya sa babae, “Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.”
Lucas 7:47-48 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)