Lucas 8:22-25
Lucas 8:22-25 Ang Salita ng Dios (ASND)
Isang araw, sumakay ng bangka si Jesus kasama ang mga tagasunod niya. Sinabi niya sa kanila, “Tumawid tayo sa kabila ng lawa.” At ganoon nga ang ginawa nila. Nang naglalayag na sila, nakatulog si Jesus. Maya-mayaʼy lumakas ang hangin at pinasok ng maraming tubig ang bangka nila, kaya nalagay sila sa panganib. Nilapitan si Jesus ng mga tagasunod niya at ginising, “Guro! Guro! Lulubog na tayo!” Bumangon si Jesus at pinatigil ang malakas na hangin at ang malalaking alon. Tumigil ang mga ito at biglang kumalma ang panahon. Pagkatapos, tinanong ni Jesus ang mga tagasunod niya, “Nasaan ang pananampalataya ninyo?” Namangha sila at natakot, at nag-usap-usap, “Sino kaya ito? Kahit ang hangin at ang alon ay inuutusan niya, at sinusunod siya!”
Lucas 8:22-25 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Isang araw, si Jesus kasama ang kanyang mga alagad ay sumakay sa isang bangka. Sinabi niya sa kanila, “Tumawid tayo sa ibayo.” At ganoon nga ang ginawa nila. Nang sila ay naglalayag na, nakatulog si Jesus. Bumugso ang isang malakas na bagyo at ang bangka ay pinasok ng tubig, kaya't sila'y nanganganib na lumubog. Nilapitan siya ng mga alagad at ginising. “Panginoon, lumulubog na po tayo!” sabi nila. Bumangon si Jesus at pinatigil ang hangin at ang malalakas na alon. Tumahimik naman ang mga ito at bumuti ang panahon. Pagkatapos, sinabi niya, “Nasaan ang inyong pananampalataya?” Ngunit sila'y natakot at namangha. Sinabi nila sa isa't isa, “Sino kaya ito? Inuutusan niya pati ang hangin at ang tubig, at sinusunod naman siya ng mga ito!”
Lucas 8:22-25 Ang Biblia (TLAB)
Nangyari nga sa mga araw na yaon, na siya'y lumulan sa isang daong, siya at ang kaniyang mga alagad; at sinabi niya sa kanila, Magsitawid tayo sa kabilang ibayo ng dagatdagatan: at sila'y nagsitulak. Datapuwa't samantalang sila'y nangaglalayag, siya'y nakatulog: at bumugso ang isang unos ng hangin sa dagatdagatan; at sila'y nangatitigib ng tubig, at nangasa kapanganiban. At sila'y nangagsilapit sa kaniya at siya'y ginising, na nangagsasabi, Guro, guro, tayo'y mangamamatay. At siya'y gumising, at sinaway ang hangin at ang galit ng tubig: at nangagsitigil, at humusay ang panahon. At sinabi niya sa kanila, Saan naroon ang inyong pananampalataya? At palibhasa'y nangatakot sila'y nagsisipanggilalas, na sinasabi ng isa sa iba, Sino nga ito, na siya'y naguutos maging sa hangin at sa tubig, at siya'y tinatalima nila?
Lucas 8:22-25 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Isang araw, si Jesus kasama ang kanyang mga alagad ay sumakay sa isang bangka. Sinabi niya sa kanila, “Tumawid tayo sa ibayo.” At ganoon nga ang ginawa nila. Nang sila ay naglalayag na, nakatulog si Jesus. Bumugso ang isang malakas na bagyo at ang bangka ay pinasok ng tubig, kaya't sila'y nanganganib na lumubog. Nilapitan siya ng mga alagad at ginising. “Panginoon, lumulubog na po tayo!” sabi nila. Bumangon si Jesus at pinatigil ang hangin at ang malalakas na alon. Tumahimik naman ang mga ito at bumuti ang panahon. Pagkatapos, sinabi niya, “Nasaan ang inyong pananampalataya?” Ngunit sila'y natakot at namangha. Sinabi nila sa isa't isa, “Sino kaya ito? Inuutusan niya pati ang hangin at ang tubig, at sinusunod naman siya ng mga ito!”
Lucas 8:22-25 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)