Malakias 2:16
Malakias 2:16 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sapagkat sinabi ng PANGINOON, ang Dios ng Israel, “Ayaw kong maghiwalay ang mag-asawa. Kung hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa, itoʼy pagmamalupit sa asawang babae.” Kaya siguraduhin ninyong hindi kayo magtataksil sa inyong asawa.
Malakias 2:16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sapagka't aking kinapopootan ang paghihiwalay, sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, at siya na nagtatakip ng kaniyang damit na may karahasan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo: kaya't ingatan ninyo ang inyong kalooban na huwag kayong magsalita na may paglililo.
Malakias 2:16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Nasusuklam ako sa pagpapalayas at paghihiwalay ng mga mag-asawa,” sabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. “Napopoot ako sa taong gumagawa ng kalupitan sa kanyang asawa. Kaya nga maging tapat kayo sa inyong asawa.”
Malakias 2:16 Ang Biblia (TLAB)