Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Mateo 13:1-2 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Mateo 13:1-2 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Noon ding araw na iyon, si Jesus ay lumabas ng bahay at naupo sa tabi ng lawa. Dahil sa dami ng taong lumalapit sa kanya, sumakay siya sa isang bangka at doon naupo. Tumayo naman sa dalampasigan ang mga tao

Mateo 13:1-2 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Nang araw ding iyon, lumabas ng bahay si Hesus at naupo sa baybayin ng lawa. Napakaraming tao ang nagtipon sa paligid niya, kaya sumakay siya sa isang bangka at doon umupo upang magturo, habang ang mga tao namaʼy nasa dalampasigan.

Mateo 13:1-2 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Noon ding araw na iyon, si Jesus ay lumabas ng bahay at naupo sa tabi ng lawa. Dahil sa dami ng taong lumalapit sa kanya, sumakay siya sa isang bangka at doon naupo. Tumayo naman sa dalampasigan ang mga tao

Mateo 13:1-2 TLAB (Ang Biblia)

Nang araw na yaon ay lumabas si Jesus sa bahay, at naupo sa tabi ng dagat. At nakisama sa kaniya ang lubhang maraming tao, ano pa't lumulan siya sa isang daong, at naupo; at ang buong karamihan ay nangakatayo sa baybayin.

Mateo 13:1-2 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))