Mateo 15:30 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mateo 15:30 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Nagdatingan naman ang napakaraming taong may dalang mga pilay, bulag, lumpo, pipi, at marami pang ibang maysakit. Dinala nila ang mga ito sa paanan ni Jesus at sila'y pinagaling niya.
Mateo 15:30 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Maraming tao ang pumunta sa kanya na may dalang mga pilay, bulag, paralitiko, pipi, at marami pang mga may sakit. Inilapit sila sa paanan ni Hesus at pinagaling niya silang lahat.
Mateo 15:30 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nagdatingan naman ang napakaraming taong may dalang mga pilay, bulag, lumpo, pipi, at marami pang ibang maysakit. Dinala nila ang mga ito sa paanan ni Jesus at sila'y pinagaling niya.
Mateo 15:30 TLAB (Ang Biblia)
At lumapit sa kaniya ang lubhang maraming tao, na may mga pilay, mga bulag, mga pipi, mga pingkaw, at iba pang marami, at sila'y kanilang inilagay sa kaniyang mga paanan; at sila'y pinagaling niya
Mateo 15:30 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))