Bible App logo
Hanapin ang Icon

Mateo 19:23-24 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Mateo 19:23-24 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Tandaan ninyo: napakahirap sa isang mayaman ang makapasok sa kaharian ng langit! Inuulit ko, mas madali pang makadaan sa butas ng karayom ang isang kamelyo, kaysa makapasok sa kaharian ng Diyos ang isang mayaman.”

Mateo 19:23-24 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Kaya sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, napakahirap para sa isang mayaman ang makapasok sa kaharian ng Langit. Mas madali pang makapasok ang kamelyo sa butas ng karayom kaysa sa makapasok ang isang mayaman sa kaharian ng Diyos.”

Mateo 19:23-24 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Tandaan ninyo: napakahirap sa isang mayaman ang makapasok sa kaharian ng langit! Inuulit ko, mas madali pang makadaan sa butas ng karayom ang isang kamelyo, kaysa makapasok sa kaharian ng Diyos ang isang mayaman.”

Mateo 19:23-24 TLAB (Ang Biblia)

At sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Mahirap na makapasok ang isang taong mayaman sa kaharian ng langit. At muling sinasabi ko sa inyo, Magaan pa sa isang kamelyo ang dumaan sa butas ng isang karayom, kay sa isang taong mayaman ang pumasok sa kaharian ng Dios.

Mateo 19:23-24 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))