Mateo 2:7-12
Mateo 2:7-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang mabatid ito, palihim na ipinatawag ni Herodes ang mga matatalinong tao at inusisa kung kailan lumitaw ang bituin. Pagkatapos, sila ay pinapunta niya sa Bethlehem na ganito ang bilin, “Hanapin ninyong mabuti ang sanggol. Kapag natagpuan ninyo siya, ipagbigay-alam agad ninyo sa akin upang ako man ay pumunta roon at sumamba rin sa kanya.” Pagkarinig sa bilin ng hari, sila'y nagpatuloy na sa paghahanap; sila'y pinangunahan ng bituing nakita nila mula sa silangan. Ganoon na lamang ang kanilang kagalakan nang makita nilang tumigil ang bituin sa tapat ng kinaroroonan ng bata. Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling ni Maria na kanyang ina. Nagpatirapa sila at sinamba ang bata. Inihandog din nila sa kanya ang mga dala nilang ginto, insenso at mira. Nang sila'y papauwi na, nakatanggap sila ng babala sa pamamagitan ng panaginip na huwag nang bumalik kay Herodes, kaya't nag-iba na sila ng daan pauwi.
Mateo 2:7-12 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Kaya palihim na ipinatawag ni Herodes ang mga pantas at inalam niya sa kanila ang eksaktong oras na unang lumitaw ang bituin. Pagkatapos, pinapunta niya sila sa Bethlehem at nagbilin, “Lumakad na kayo at hanaping mabuti ang bata. At kapag nakita ninyo, balitaan nʼyo ako agad para makapunta rin ako at makasamba sa kanya.” Pagkatapos marinig ang bilin ng hari, lumakad na sila. At ang bituing nakita nilang lumitaw noon ay nanguna sa kanila hanggang sa tumigil ito sa tapat ng kinaroroonan ng bata. Nang makita nila ang bituin ay labis ang kanilang kagalakan. Pagpasok nila sa bahay, nakita nila ang bata kasama ang kanyang inang si Maria. Nagpatirapa sila at sumamba sa bata. Binuksan nila ang kanilang mga baul ng kayamanan at inihandog sa kanya ang mga dala nilang ginto, insenso at pabangong mira. Nang pauwi na sila, nag-iba sila ng daan dahil binalaan sila ng Diyos sa pamamagitan ng panaginip na huwag nang bumalik kay Herodes.
Mateo 2:7-12 Ang Biblia (TLAB)
Nang magkagayo'y tinawag ni Herodes ng lihim ang mga Pantas na lalake, at kaniyang siniyasat ng buong ingat sa kanila ang panahong isinilang ng bituin. At pinayaon niya sila sa Bet-lehem, at sinabi, Kayo'y magsiparoon at ipagtanong ng buong ingat ang tungkol sa sanggol; at pagkasumpong ninyo sa kaniya, ay ipagbigay-alam ninyo sa akin, upang ako nama'y makaparoon at siya'y aking sambahin. At sila, pagkarinig sa hari ay nagsiyaon ng kanilang lakad; at narito, ang bituing kanilang nakita sa silanganan, ay nanguna sa kanila hanggang sa sumapit at tumigil sa tapat ng kinaroroonan ng sanggol. At nang makita nila ang bituin, ay nangagalak sila ng di kawasang galak. At nagsipasok sila sa bahay, at nangakita nila ang sanggol na kasama ng kaniyang inang si Maria; at nangagpatirapa sila at nangagsisamba sa kaniya; at pagkabukas nila ng kanilang mga kayamanan ay inihandog nila sa kaniya ang mga alay, na ginto at kamangyan at mira. At palibhasa'y pinagsabihan sila ng Dios sa panaginip na huwag silang mangagbalik kay Herodes, ay nangagsiuwi sila sa kanilang sariling lupain sa ibang daan.
Mateo 2:7-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang mabatid ito, palihim na ipinatawag ni Herodes ang mga matatalinong tao at inusisa kung kailan lumitaw ang bituin. Pagkatapos, sila ay pinapunta niya sa Bethlehem na ganito ang bilin, “Hanapin ninyong mabuti ang sanggol. Kapag natagpuan ninyo siya, ipagbigay-alam agad ninyo sa akin upang ako man ay pumunta roon at sumamba rin sa kanya.” Pagkarinig sa bilin ng hari, sila'y nagpatuloy na sa paghahanap; sila'y pinangunahan ng bituing nakita nila mula sa silangan. Ganoon na lamang ang kanilang kagalakan nang makita nilang tumigil ang bituin sa tapat ng kinaroroonan ng bata. Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling ni Maria na kanyang ina. Nagpatirapa sila at sinamba ang bata. Inihandog din nila sa kanya ang mga dala nilang ginto, insenso at mira. Nang sila'y papauwi na, nakatanggap sila ng babala sa pamamagitan ng panaginip na huwag nang bumalik kay Herodes, kaya't nag-iba na sila ng daan pauwi.
Mateo 2:7-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)