Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Mateo 4:12-25 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Mateo 4:12-25 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Nang mabalitaan ni Jesus na ibinilanggo si Juan, bumalik siya sa Galilea. Ngunit hindi na siya sa Nazaret nanirahan, kundi sa bayan ng Capernaum na nasa baybayin ng Lawa ng Galilea na sakop ng Zebulun at Neftali. Sa gayon, natupad ang sinabi ni Propeta Isaias, “Lupain ng Zebulun at lupain ng Neftali, daanang papunta sa lawa, sa ibayo ng Jordan, sa Galilea ng mga Hentil! Ang mga taong nasa kadiliman ay nakakita ng maningning na ilaw! Sa mga nakatira sa lilim ng kamatayan ay sumikat ang liwanag.” Magmula noon ay nangaral na si Jesus. Itinuturo niyang, “Magsisi na kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan sapagkat malapit nang dumating ang kaharian ng langit.” Minsan, naglalakad si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. Nakita niyang naghahagis ng lambat sa lawa ang dalawang mangingisda, si Simon na tinatawag ding Pedro, at ang kapatid niyang si Andres. Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao.” Noon di'y iniwan nila ang kanilang mga lambat at sumunod kay Jesus. Nagpatuloy siya ng paglalakad at nakita rin niya ang magkapatid na Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo. Sila'y nasa bangka kasama ng kanilang ama, at nag-aayos ng lambat. Tinawag din sila ni Jesus. Agad nilang iniwan ang bangka at ang kanilang ama, at sumunod kay Jesus. Nilibot ni Jesus ang buong Galilea. Nagtuturo siya sa mga sinagoga at ipinapangaral ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Pinapagaling din niya ang lahat ng mga taong may sakit at karamdaman. Ang balita tungkol sa kanya ay kumalat sa buong Siria kaya't dinadala sa kanya ang lahat ng maysakit at mga nahihirapan dahil sa iba't ibang karamdaman, mga sinasapian ng mga demonyo, mga may epilepsya at mga paralitiko. Silang lahat ay kanyang pinagaling. Dahil dito, sinusundan siya ng napakaraming tao buhat sa Galilea, sa Decapolis, Jerusalem, Judea, at maging sa ibayo ng Jordan.

Mateo 4:12-25 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Nang mabalitaan ni Hesus na ibinilanggo si Juan, bumalik siya sa Galilea. Ngunit hindi na siya nanirahan sa Nazaret kundi sa Capernaum, isang bayan sa baybayin ng Lawa ng Galilea at sakop ng Zebulun at Neftali. Sa ganitong paraan ay natupad ang sinabi ni Propeta Isaias: “Ang mga lupain ng Zebulun at Neftali, sa baybayin ng lawa, sa kabila ng Ilog Jordan, Galilea ng mga Hentil, ang mga taong nabubuhay sa kadiliman ay nakakita ng matinding kaliwanagan. At kahit silaʼy nananahan sa lilim ng kamatayan, sila ay maliliwanagan.” Mula nooʼy nagsimulang mangaral si Hesus, “Magsisi kayo sa inyong mga kasalanan at magbalik-loob sa Diyos, dahil malapit nang dumating ang kaharian ng Langit.” Habang naglalakad si Hesus sa tabi ng Lawa ng Galilea, nakita niya ang magkapatid na sina Simon (na tinatawag ding Pedro) at Andres. Naghahagis sila ng lambat sa lawa sapagkat silaʼy mga mangingisda. Sinabi niya sa kanila, “Halikayo, sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mangingisda ng mga tao.” Kaagad nilang iniwan ang mga lambat nila at sumunod sa kanya. At habang patuloy siyang naglalakad, nakita naman niya ang magkapatid na sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo. Nasa bangka sila kasama ang kanilang ama at nag-aayos ng kanilang lambat. Tinawag din niya ang magkapatid. Agad nilang iniwan ang kanilang bangka at ang kanilang ama, at sumunod kay Hesus. Nilibot ni Hesus ang buong Galilea habang nagtuturo sa mga sinagoga at ipinapangaral ang Magandang Balita tungkol sa kaharian ng Diyos. At pinagaling din niya ang lahat ng uri ng sakit at kapansanan ng mga tao. Naging tanyag siya sa buong lalawigan ng Siria, at dinala sa kanya ang lahat ng maysakit, at mga nagdurusa dahil sa matinding karamdaman: ang mga sinasapian ng demonyo, ang mga may epilepsiya at ang mga paralitiko. At pinagaling niya silang lahat. Sinundan siya ng napakaraming tao mula sa Galilea, sa Decapolis, sa Jerusalem, at sa lahat ng bayan ng Judea, at sa mga lugar sa kabila ng Ilog Jordan.

Mateo 4:12-25 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Nang mabalitaan ni Jesus na ibinilanggo si Juan, bumalik siya sa Galilea. Ngunit hindi na siya sa Nazaret nanirahan, kundi sa bayan ng Capernaum na nasa baybayin ng Lawa ng Galilea na sakop ng Zebulun at Neftali. Sa gayon, natupad ang sinabi ni Propeta Isaias, “Lupain ng Zebulun at lupain ng Neftali, daanang papunta sa lawa, sa ibayo ng Jordan, sa Galilea ng mga Hentil! Ang mga taong nasa kadiliman ay nakakita ng maningning na ilaw! Sa mga nakatira sa lilim ng kamatayan ay sumikat ang liwanag.” Magmula noon ay nangaral na si Jesus. Itinuturo niyang, “Magsisi na kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan sapagkat malapit nang dumating ang kaharian ng langit.” Minsan, naglalakad si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. Nakita niyang naghahagis ng lambat sa lawa ang dalawang mangingisda, si Simon na tinatawag ding Pedro, at ang kapatid niyang si Andres. Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao.” Noon di'y iniwan nila ang kanilang mga lambat at sumunod kay Jesus. Nagpatuloy siya ng paglalakad at nakita rin niya ang magkapatid na Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo. Sila'y nasa bangka kasama ng kanilang ama, at nag-aayos ng lambat. Tinawag din sila ni Jesus. Agad nilang iniwan ang bangka at ang kanilang ama, at sumunod kay Jesus. Nilibot ni Jesus ang buong Galilea. Nagtuturo siya sa mga sinagoga at ipinapangaral ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Pinapagaling din niya ang lahat ng mga taong may sakit at karamdaman. Ang balita tungkol sa kanya ay kumalat sa buong Siria kaya't dinadala sa kanya ang lahat ng maysakit at mga nahihirapan dahil sa iba't ibang karamdaman, mga sinasapian ng mga demonyo, mga may epilepsya at mga paralitiko. Silang lahat ay kanyang pinagaling. Dahil dito, sinusundan siya ng napakaraming tao buhat sa Galilea, sa Decapolis, Jerusalem, Judea, at maging sa ibayo ng Jordan.

Mateo 4:12-25 TLAB (Ang Biblia)

Nang marinig nga niya na si Juan ay dinakip, ay umuwi siya sa Galilea; At pagkaiwan sa Nazaret, ay naparoon siya at tumahan sa Capernaum, na nasa tabi ng dagat, sa mga hangganan ng Zabulon at Neftali: Upang maganap ang sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias na nagsasabi, Ang lupa ni Zabulon at ang lupa ni Neftali, Sa gawing dagat, sa dako pa roon ng Jordan, Galilea ng mga Gentil, Ang bayang nalulugmok sa kadiliman, ay Nakakita ng dakilang ilaw, At sa nangalulugmok sa pook at lilim ng kamatayan, ay Lumiwanag sa kanila ang ilaw. Mula noon ay nagpasimulang mangaral si Jesus, at magsabi, Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit. At sa paglalakad niya sa tabi ng dagat ng Galilea; ay nakita niya ang dalawang magkapatid, si Simon na tinatawag na Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid, na inihuhulog ang isang lambat sa dagat; sapagka't sila'y mga mamamalakaya. At sinabi niya sa kanila, Magsisunod kayo sa hulihan ko, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao. At pagdaka'y iniwan nila ang mga lambat, at nagsisunod sa kaniya. At paglakad sa dako roon ay nakita niya ang dalawa pang magkapatid, si Santiago na anak ni Zebedeo, at ang kaniyang kapatid na si Juan, sa daong na kasama si Zebedeo na kanilang ama, na nagsisipaghayuma ng kanilang mga lambat; at sila'y kaniyang tinawag. At pagdaka'y iniwan nila ang daong at ang kanilang ama, at nagsisunod sa kaniya. At nilibot ni Jesus ang buong Galilea, na nagtuturo sa mga sinagoga nila, at ipinangangaral ang evangelio ng kaharian, at nagpapagaling ng lahat ng sarisaring sakit at ng lahat ng karamdaman na nasa mga tao. At lumaganap ang pagkabantog niya sa buong Siria: at kanilang dinadala sa kaniya ang lahat ng mga may karamdaman, at ang mga pinipighati ng sarisaring sakit at pahirap, at ang mga inaalihan ng mga demonio, at ang mga himatayin, at ang mga lumpo: at sila'y pinagagaling niya. At sinundan siya ng lubhang karamihang tao mula sa Galilea at Decapolis at Jerusalem at Judea at mula sa dakong ibayo ng Jordan.

Mateo 4:12-25 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))