Mateo 4:13-22 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mateo 4:13-22 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Ngunit hindi na siya sa Nazaret nanirahan, kundi sa bayan ng Capernaum na nasa baybayin ng Lawa ng Galilea na sakop ng Zebulun at Neftali. Sa gayon, natupad ang sinabi ni Propeta Isaias, “Lupain ng Zebulun at lupain ng Neftali, daanang papunta sa lawa, sa ibayo ng Jordan, sa Galilea ng mga Hentil! Ang mga taong nasa kadiliman ay nakakita ng maningning na ilaw! Sa mga nakatira sa lilim ng kamatayan ay sumikat ang liwanag.” Magmula noon ay nangaral na si Jesus. Itinuturo niyang, “Magsisi na kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan sapagkat malapit nang dumating ang kaharian ng langit.” Minsan, naglalakad si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. Nakita niyang naghahagis ng lambat sa lawa ang dalawang mangingisda, si Simon na tinatawag ding Pedro, at ang kapatid niyang si Andres. Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao.” Noon di'y iniwan nila ang kanilang mga lambat at sumunod kay Jesus. Nagpatuloy siya ng paglalakad at nakita rin niya ang magkapatid na Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo. Sila'y nasa bangka kasama ng kanilang ama, at nag-aayos ng lambat. Tinawag din sila ni Jesus. Agad nilang iniwan ang bangka at ang kanilang ama, at sumunod kay Jesus.
Mateo 4:13-22 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Ngunit hindi na siya nanirahan sa Nazaret kundi sa Capernaum, isang bayan sa baybayin ng Lawa ng Galilea at sakop ng Zebulun at Neftali. Sa ganitong paraan ay natupad ang sinabi ni Propeta Isaias: “Ang mga lupain ng Zebulun at Neftali, sa baybayin ng lawa, sa kabila ng Ilog Jordan, Galilea ng mga Hentil, ang mga taong nabubuhay sa kadiliman ay nakakita ng matinding kaliwanagan. At kahit silaʼy nananahan sa lilim ng kamatayan, sila ay maliliwanagan.” Mula nooʼy nagsimulang mangaral si Hesus, “Magsisi kayo sa inyong mga kasalanan at magbalik-loob sa Diyos, dahil malapit nang dumating ang kaharian ng Langit.” Habang naglalakad si Hesus sa tabi ng Lawa ng Galilea, nakita niya ang magkapatid na sina Simon (na tinatawag ding Pedro) at Andres. Naghahagis sila ng lambat sa lawa sapagkat silaʼy mga mangingisda. Sinabi niya sa kanila, “Halikayo, sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mangingisda ng mga tao.” Kaagad nilang iniwan ang mga lambat nila at sumunod sa kanya. At habang patuloy siyang naglalakad, nakita naman niya ang magkapatid na sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo. Nasa bangka sila kasama ang kanilang ama at nag-aayos ng kanilang lambat. Tinawag din niya ang magkapatid. Agad nilang iniwan ang kanilang bangka at ang kanilang ama, at sumunod kay Hesus.
Mateo 4:13-22 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ngunit hindi na siya sa Nazaret nanirahan, kundi sa bayan ng Capernaum na nasa baybayin ng Lawa ng Galilea na sakop ng Zebulun at Neftali. Sa gayon, natupad ang sinabi ni Propeta Isaias, “Lupain ng Zebulun at lupain ng Neftali, daanang papunta sa lawa, sa ibayo ng Jordan, sa Galilea ng mga Hentil! Ang mga taong nasa kadiliman ay nakakita ng maningning na ilaw! Sa mga nakatira sa lilim ng kamatayan ay sumikat ang liwanag.” Magmula noon ay nangaral na si Jesus. Itinuturo niyang, “Magsisi na kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan sapagkat malapit nang dumating ang kaharian ng langit.” Minsan, naglalakad si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. Nakita niyang naghahagis ng lambat sa lawa ang dalawang mangingisda, si Simon na tinatawag ding Pedro, at ang kapatid niyang si Andres. Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao.” Noon di'y iniwan nila ang kanilang mga lambat at sumunod kay Jesus. Nagpatuloy siya ng paglalakad at nakita rin niya ang magkapatid na Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo. Sila'y nasa bangka kasama ng kanilang ama, at nag-aayos ng lambat. Tinawag din sila ni Jesus. Agad nilang iniwan ang bangka at ang kanilang ama, at sumunod kay Jesus.
Mateo 4:13-22 TLAB (Ang Biblia)
At pagkaiwan sa Nazaret, ay naparoon siya at tumahan sa Capernaum, na nasa tabi ng dagat, sa mga hangganan ng Zabulon at Neftali: Upang maganap ang sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias na nagsasabi, Ang lupa ni Zabulon at ang lupa ni Neftali, Sa gawing dagat, sa dako pa roon ng Jordan, Galilea ng mga Gentil, Ang bayang nalulugmok sa kadiliman, ay Nakakita ng dakilang ilaw, At sa nangalulugmok sa pook at lilim ng kamatayan, ay Lumiwanag sa kanila ang ilaw. Mula noon ay nagpasimulang mangaral si Jesus, at magsabi, Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit. At sa paglalakad niya sa tabi ng dagat ng Galilea; ay nakita niya ang dalawang magkapatid, si Simon na tinatawag na Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid, na inihuhulog ang isang lambat sa dagat; sapagka't sila'y mga mamamalakaya. At sinabi niya sa kanila, Magsisunod kayo sa hulihan ko, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao. At pagdaka'y iniwan nila ang mga lambat, at nagsisunod sa kaniya. At paglakad sa dako roon ay nakita niya ang dalawa pang magkapatid, si Santiago na anak ni Zebedeo, at ang kaniyang kapatid na si Juan, sa daong na kasama si Zebedeo na kanilang ama, na nagsisipaghayuma ng kanilang mga lambat; at sila'y kaniyang tinawag. At pagdaka'y iniwan nila ang daong at ang kanilang ama, at nagsisunod sa kaniya.
Mateo 4:13-22 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))