Mateo 5:1-5
Mateo 5:1-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao, umakyat siya sa bundok. Pagkaupo niya lumapit ang kanyang mga alagad at sila'y tinuruan niya. “Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit. “Mapalad ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila ng Diyos. “Mapalad ang mga mapagpakumbabá, sapagkat mamanahin nila ang daigdig.
Mateo 5:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao, umakyat siya sa bundok at naupo roon. Lumapit sa kanya ang mga tagasunod niya, at nagsimula siyang mangaral. Sinabi niya, “Mapalad ang mga taong inaaming nagkulang sila sa Dios, dahil makakasama sila sa kaharian ng Dios. Mapalad ang mga naghihinagpis, dahil aaliwin sila ng Dios. Mapalad ang mga mapagpakumbaba, dahil mamanahin nila ang mundo.
Mateo 5:1-5 Ang Biblia (TLAB)
At pagkakita sa mga karamihan, ay umahon siya sa bundok: at pagkaupo niya, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad: At binuka niya ang kaniyang bibig at tinuruan sila, na sinasabi, Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka't kanila ang kaharian ng langit. Mapapalad ang nangahahapis: sapagka't sila'y aaliwin. Mapapalad ang maaamo: sapagka't mamanahin nila ang lupa.
Mateo 5:1-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao, umakyat siya sa bundok. Pagkaupo niya lumapit ang kanyang mga alagad at sila'y tinuruan niya. “Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit. “Mapalad ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila ng Diyos. “Mapalad ang mga mapagpakumbabá, sapagkat mamanahin nila ang daigdig.
Mateo 5:1-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)