Mikas 4:1-5 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mikas 4:1-5 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Darating ang panahon, na ang bundok na kinatatayuan ng Templo ni Yahweh ay mamumukod sa kataasan sa lahat ng bundok. Higit itong dadakilain kaysa lahat ng burol, at dudulog dito ang maraming bansa. Daragsa ang maraming tao at sasabihin nila, “Halikayo, tayo na sa bundok ni Yahweh, sa templo ng Diyos ni Jacob, upang malaman natin ang nais niyang gawin natin at matuto tayong lumakad sa kanyang landas. Sapagkat magmumula sa Zion ang katuruan, at sa Jerusalem ang salita ni Yahweh.” Siya ang mamamagitan sa mga bansa, at magpapairal ng katarungan sa lahat ng lahi. Kaya't gagawin nilang talim ng araro ang kanilang mga tabak, at karit naman ang kanilang mga sibat. Mga bansa'y di na mag-aaway, at sa pakikidigma'y di na magsasanay. Sa halip, bawat tao'y mamumuhay nang payapa sa kanyang ubasan at mga puno ng igos. Wala nang babagabag sa kanila, sapagkat ito ang pangako ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. Kahit na magpatuloy sa pagsamba sa kanilang mga diyus-diyosan ang lahat ng bansa, kami'y kay Yahweh na aming Diyos lamang sasamba magpakailanman.
Mikas 4:1-5 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Sa mga huling araw, ang bundok na kinatatayuan ng templo ng PANGINOON ay magiging pinakamahalaga sa lahat ng bundok. Dadagsa rito ang mga tao mula sa ibaʼt ibang bansa. Sasabihin nila, “Tayo na sa bundok ng PANGINOON, sa Templo ng Diyos ni Jacob. Tuturuan niya tayo roon ng kanyang mga pamamaraan upang sundin natin.” Kaya magsisiuwi ang mga tao mula sa Zion, ang lungsod ng Jerusalem, na dala ang Kautusan ng PANGINOON. Pagkakasunduin niya ang maraming bansa, pati na ang mga makapangyarihang bansa sa malayo. Kaya hindi na magdidigmaan ang mga bansa, at hindi na rin sila magsasanay ng mga sundalo para sa digmaan. Gagawin nilang araro ang kanilang mga espada, at karit na pantabas ang kanilang mga sibat. Ang bawat tao ay uupo sa ilalim ng kanilang tanim na ubas at puno ng igos nang walang kinatatakutan. Mangyayari ito, dahil sinabi ito ng PANGINOON ng mga Hukbo. Kahit na sumunod ang mga tao sa mga diyos-diyosan nila, kami ay patuloy pa ring susunod sa PANGINOON na aming Diyos magpakailanman.
Mikas 4:1-5 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Darating ang panahon, na ang bundok na kinatatayuan ng Templo ni Yahweh ay mamumukod sa kataasan sa lahat ng bundok. Higit itong dadakilain kaysa lahat ng burol, at dudulog dito ang maraming bansa. Daragsa ang maraming tao at sasabihin nila, “Halikayo, tayo na sa bundok ni Yahweh, sa templo ng Diyos ni Jacob, upang malaman natin ang nais niyang gawin natin at matuto tayong lumakad sa kanyang landas. Sapagkat magmumula sa Zion ang katuruan, at sa Jerusalem ang salita ni Yahweh.” Siya ang mamamagitan sa mga bansa, at magpapairal ng katarungan sa lahat ng lahi. Kaya't gagawin nilang talim ng araro ang kanilang mga tabak, at karit naman ang kanilang mga sibat. Mga bansa'y di na mag-aaway, at sa pakikidigma'y di na magsasanay. Sa halip, bawat tao'y mamumuhay nang payapa sa kanyang ubasan at mga puno ng igos. Wala nang babagabag sa kanila, sapagkat ito ang pangako ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. Kahit na magpatuloy sa pagsamba sa kanilang mga diyus-diyosan ang lahat ng bansa, kami'y kay Yahweh na aming Diyos lamang sasamba magpakailanman.
Mikas 4:1-5 TLAB (Ang Biblia)
Nguni't sa mga huling araw ay mangyayari, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at matataas sa mga burol; at mga tao'y paroroon sa kaniya. At maraming bansa'y magsisiparoo't mangagsasabi, Magsiparito kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, at sa bahay ng Dios ni Jacob; at siya'y magtuturo sa atin ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas. Sapagka't sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem; At siya'y hahatol sa gitna ng maraming bayan, at sasaway sa mga matibay na bansa sa malayo: at kanilang papandayin ang kanilang mga tabak upang maging sudsud, at ang kanilang mga sibat upang maging karit; ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, ni magaaral pa man ng pakikipagdigma. Kundi sila'y uupo bawa't isa sa ilalim ng kaniyang punong ubas at sa ilalim ng kaniyang punong igos; at walang tatakot sa kanila: sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon ng mga hukbo. Sapagka't ang lahat na bayan ay magsisilakad bawa't isa sa pangalan ng kanikaniyang dios: at tayo'y magsisilakad sa pangalan ng Panginoon nating Dios magpakailan kailan man.
Mikas 4:1-5 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))