Marcos 2:16-17
Marcos 2:16-17 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang makita ito ng ilang tagapagturo ng Kautusan na kabilang sa pangkat ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad, “Bakit siya kumakaing kasama ang mga maniningil ng buwis at mga makasalanan?” Narinig ito ni Jesus kaya't siya ang sumagot, “Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit kundi ang maysakit. Naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga matuwid.”
Marcos 2:16-17 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nang makita ng mga Pariseong tagapagturo ng Kautusan na kasalo ni Hesus ang mga maniningil ng buwis at iba pang mga itinuturing na makasalanan, sinabi nila sa mga alagad niya, “Bakit kumakain siyang kasama ang mga maniningil ng buwis at iba pang mga makasalanan?” Narinig iyon ni Hesus kaya sinagot niya ang mga ito, “Hindi ang mga taong walang sakit ang nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit. Naparito ako hindi upang tawagin ang mga taong matuwid, kundi ang mga makasalanan.”
Marcos 2:16-17 Ang Biblia (TLAB)
At nang makita ng mga eskriba at mga Fariseo, na siya'y kumakaing kasalo ng mga makasalanan at ng mga maniningil ng buwis, ay nagsipagsabi sa kaniyang mga alagad, Ano ito na siya'y kumakain at umiinom na kasalo ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan? At nang ito'y marinig ni Jesus, ay sinabi niya sa kanila, Hindi nangangailangan ng manggagamot ang mga walang sakit, kundi ang mga maysakit: hindi ako naparito upang tumawag ng mga matuwid, kundi ng mga makasalanan.
Marcos 2:16-17 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang makita ito ng ilang tagapagturo ng Kautusan na kabilang sa pangkat ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad, “Bakit siya kumakaing kasama ang mga maniningil ng buwis at mga makasalanan?” Narinig ito ni Jesus kaya't siya ang sumagot, “Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit kundi ang maysakit. Naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga matuwid.”
Marcos 2:16-17 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)