Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Marcos 4:35-41 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Marcos 4:35-41 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Kinagabiha'y sinabi ni Jesus sa mga alagad, “Tumawid tayo sa ibayo.” Kaya't iniwan nila ang mga tao at sumakay sila sa bangkang sinasakyan ni Jesus upang tumawid ng lawa. May iba pang mga bangkang nakisabay sa kanila. Habang naglalayag, inabot sila ng malakas na bagyo kaya't ang bangkang sinasakyan nila'y hinampas ng malalaking alon at ito'y halos mapuno na ng tubig. Si Jesus ay natutulog noon sa may hulihan ng bangka, nakahilig sa isang unan. Ginising siya ng mga alagad at sinabi, “Guro, bale-wala ba sa inyo kung mapahamak kami?” Bumangon si Jesus at iniutos sa hangin, “Tigil!” at sinabi sa alon, “Tumahimik ka!” Tumigil nga ang hangin at tumahimik ang lawa. Pagkatapos, sinabi niya sa mga alagad, “Bakit kayo natatakot? Hanggang ngayon ba'y wala pa rin kayong pananampalataya?” Natakot sila nang labis at namangha. Sabi nila sa isa't isa, “Anong klaseng tao ito? Pati hangin at lawa ay sumusunod sa inuutos niya!”

Marcos 4:35-41 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Kinagabihan, sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Tumawid tayo sa kabila ng lawa.” Kaya iniwan nila ang mga tao at naglayag sakay ng bangkang sinakyan ni Hesus. May mga bangka ring sumunod sa kanila. Habang naglalayag sila, biglang bumagyo nang napakalakas. Hinampas ng malalaking alon ang bangka nila at halos mapuno na ito ng tubig. Si Hesus ay nasa hulihan ng bangka at natutulog nang nakaunan. Ginising siya ng mga alagad niya at sinabi sa kanya, “Guro, malulunod na tayo! Balewala lang ba ito sa inyo?” Kaya bumangon siya at inutusan ang hangin, “Tigil!” at sinabihan ang lawa, “Kumalma ka!” Tumigil nga ang hangin at kumalma ang mga alon. Tinanong niya ang mga alagad niya, “Bakit kayo natatakot? Wala pa rin ba kayong pananampalataya sa akin?” Takot na takot silang nag-usap-usap, “Sino ang taong ito? Kahit ang hangin at mga alon ay sumusunod sa kanya!”

Marcos 4:35-41 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Kinagabiha'y sinabi ni Jesus sa mga alagad, “Tumawid tayo sa ibayo.” Kaya't iniwan nila ang mga tao at sumakay sila sa bangkang sinasakyan ni Jesus upang tumawid ng lawa. May iba pang mga bangkang nakisabay sa kanila. Habang naglalayag, inabot sila ng malakas na bagyo kaya't ang bangkang sinasakyan nila'y hinampas ng malalaking alon at ito'y halos mapuno na ng tubig. Si Jesus ay natutulog noon sa may hulihan ng bangka, nakahilig sa isang unan. Ginising siya ng mga alagad at sinabi, “Guro, bale-wala ba sa inyo kung mapahamak kami?” Bumangon si Jesus at iniutos sa hangin, “Tigil!” at sinabi sa alon, “Tumahimik ka!” Tumigil nga ang hangin at tumahimik ang lawa. Pagkatapos, sinabi niya sa mga alagad, “Bakit kayo natatakot? Hanggang ngayon ba'y wala pa rin kayong pananampalataya?” Natakot sila nang labis at namangha. Sabi nila sa isa't isa, “Anong klaseng tao ito? Pati hangin at lawa ay sumusunod sa inuutos niya!”

Marcos 4:35-41 TLAB (Ang Biblia)

At nang araw ding yaon, nang gabi na, ay sinabi niya sa kanila, Tumawid tayo sa kabilang ibayo. At pagkaiwan sa karamihan, ay kanilang dinala siya sa daong, ayon sa kaniyang kalagayan. At mayroon siyang kasamang ibang mga daong. At nagbangon ang isang malakas na bagyo, at sinasalpukan ang daong ng mga alon, na ano pa't ang daong ay halos natitigib. At siya'y natutulog sa hulihan sa ibabaw ng kutson; at siya'y ginising nila, at sinabi sa kaniya, Guro, wala bagang anoman sa iyo na mapahamak tayo? At gumising siya, at sinaway ang hangin, at sinabi sa dagat, Pumayapa, tumahimik ka. At humimpil ang hangin, at humusay na totoo ang panahon, At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo nangatakot? wala pa baga kayong pananampalataya? At sila'y nangatakot na lubha, at sila-sila'y nangagsasabihan, Sino nga ito, na pati ng hangin at ng dagat ay tumatalima sa kaniya?

Marcos 4:35-41 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))