Nehemias 9:19-21
Nehemias 9:19-21 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ngunit hindi mo pa rin sila pinabayaan sa ilang, sapagkat walang kapantay ang iyong kahabagan. Hindi mo inalis ang haliging ulap na patnubay nila sa paglalakbay sa araw at ang haliging apoy na tumatanglaw sa kanila pagsapit ng dilim. Pinatnubayan mo sila ng iyong Espiritu, upang turuan sila ng dapat nilang gawin. Patuloy mo silang pinakain ng manna, at binigyan ng tubig na pamatid uhaw. Apatnapung taon mo silang kinalinga sa ilang, kaya't sa anuman ay hindi sila nagkulang. Hindi nasira ang kanilang mga kasuotan, ni namaga man ang kanilang mga paa sa paglalakad.
Nehemias 9:19-21 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ngunit dahil sa dakilang habag ninyo sa kanila, hindi nʼyo po sila pinabayaan sa ilang. Hindi nʼyo kinuha ang makapal na ulap na gumagabay sa kanila kapag araw, at ang naglalagablab na apoy na nagbibigay liwanag sa nilalakaran nila kapag gabi. Ibinigay nʼyo po ang mabuting Espiritu ninyo sa pagtuturo sa kanila. Patuloy nʼyo silang pinakain ng ‘manna,’ at binigyan ng tubig kapag nauuhaw sila. Ibinibigay nʼyo po sa kanila ang mga pangangailangan nila sa loob ng 40 taon sa ilang, kaya hindi sila nagkulang ng anuman. Hindi naluma ang mga damit nila at hindi rin namaga ang mga paa nila sa paglalakad.
Nehemias 9:19-21 Ang Biblia (TLAB)
Gayon ma'y ikaw sa iyong masaganang mga kaawaan ay hindi mo pinabayaan sila sa ilang: ang tila haliging ulap ay hindi humiwalay sa kanila sa araw, upang patnubayan sila sa daan; ni ang tila haliging apoy man sa gabi, upang pagpakitaan sila ng liwanag at ng daan na kanilang lalakaran. Iyo rin namang ibinigay ang iyong mabuting Espiritu upang turuan sila, at hindi mo inaalis ang iyong mana sa kanilang bibig, at bigyan mo sila ng tubig sa kanilang pagkauhaw. Oo apat na pung taon na iyong kinandili sila sa ilang, at hindi sila nagkulang ng anoman; ang kanilang mga suot ay hindi naluma, at ang kanilang mga paa ay hindi namaga.
Nehemias 9:19-21 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ngunit hindi mo pa rin sila pinabayaan sa ilang, sapagkat walang kapantay ang iyong kahabagan. Hindi mo inalis ang haliging ulap na patnubay nila sa paglalakbay sa araw at ang haliging apoy na tumatanglaw sa kanila pagsapit ng dilim. Pinatnubayan mo sila ng iyong Espiritu, upang turuan sila ng dapat nilang gawin. Patuloy mo silang pinakain ng manna, at binigyan ng tubig na pamatid uhaw. Apatnapung taon mo silang kinalinga sa ilang, kaya't sa anuman ay hindi sila nagkulang. Hindi nasira ang kanilang mga kasuotan, ni namaga man ang kanilang mga paa sa paglalakad.
Nehemias 9:19-21 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Gayon ma'y ikaw sa iyong masaganang mga kaawaan ay hindi mo pinabayaan sila sa ilang: ang tila haliging ulap ay hindi humiwalay sa kanila sa araw, upang patnubayan sila sa daan; ni ang tila haliging apoy man sa gabi, upang pagpakitaan sila ng liwanag at ng daan na kanilang lalakaran. Iyo rin namang ibinigay ang iyong mabuting Espiritu upang turuan sila, at hindi mo inaalis ang iyong mana sa kanilang bibig, at bigyan mo sila ng tubig sa kanilang pagkauhaw. Oo, apat na pung taon na iyong kinandili sila sa ilang, at hindi sila nagkulang ng anoman; ang kanilang mga suot ay hindi naluma, at ang kanilang mga paa ay hindi namaga.