Mga Taga-Filipos 1:2-6
Mga Taga-Filipos 1:2-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan ng Diyos na ating Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo. Nagpapasalamat ako sa aking Diyos tuwing naaalala ko kayo. Tuwing ipinapanalangin ko kayong lahat, ako'y laging nagagalak dahil sa inyong pakikiisa sa pagpapalaganap ng Magandang Balita tungkol kay Cristo, mula nang ito'y inyong tanggapin hanggang sa kasalukuyan. Natitiyak kong ang mabuting gawang pinasimulan sa inyo ng Diyos ay kanyang lulubusin hanggang sa araw ng pagbabalik ni Jesu-Cristo.
Mga Taga-Filipos 1:2-6 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang galing sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. Tuwing naaalala ko kayo, nagpapasalamat ako sa Dios, at palagi akong masaya sa tuwing nananalangin ako para sa inyong lahat; dahil mula pa nang sumampalataya kayo hanggang ngayon ay katulong ko na kayo sa pagpapalaganap ng Magandang Balita. Natitiyak kong ipagpapatuloy ng Dios ang mabuting gawain na sinimulan niya sa inyo hanggang sa araw ng pagbabalik ni Cristo Jesus.
Mga Taga-Filipos 1:2-6 Ang Biblia (TLAB)
Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo. Ako'y nagpapasalamat sa aking Dios, sa tuwing kayo'y aking naaalaala, Na parating sa bawa't daing ko, ay masayang nananaing ako na patungkol sa inyong lahat, Dahil sa inyong pakikisama sa pagpapalaganap ng evangelio, mula nang unang araw hanggang ngayon; Na ako'y may lubos na pagkakatiwala sa bagay na ito, na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa, ay lulubusin hanggang sa araw ni Jesucristo
Mga Taga-Filipos 1:2-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan ng Diyos na ating Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo. Nagpapasalamat ako sa aking Diyos tuwing naaalala ko kayo. Tuwing ipinapanalangin ko kayong lahat, ako'y laging nagagalak dahil sa inyong pakikiisa sa pagpapalaganap ng Magandang Balita tungkol kay Cristo, mula nang ito'y inyong tanggapin hanggang sa kasalukuyan. Natitiyak kong ang mabuting gawang pinasimulan sa inyo ng Diyos ay kanyang lulubusin hanggang sa araw ng pagbabalik ni Jesu-Cristo.
Mga Taga-Filipos 1:2-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)