Mga Taga-Filipos 2:4-9
Mga Taga-Filipos 2:4-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili. Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus. Kahit siya'y likas at tunay na Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang alipin. Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao. At nang si Cristo'y maging tao, nagpakumbabá siya at naging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus. At dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos, at ibinigay sa kanya ang pangalang higit sa lahat ng pangalan.
Mga Taga-Filipos 2:4-9 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Huwag lang ang sarili ninyong kapakanan ang isipin ninyo kundi ang kapakanan din ng iba. Magkaroon nawa kayo ng kaisipang katulad ng kay Kristo Hesus: Bagamaʼt siya ay Diyos, hindi niya itinuring ang pagiging kapantay ng Diyos bilang isang bagay na dapat panghawakan. Sa halip, ibinaba niya nang lubusan ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-aanyong alipin. Naging tao siyang tulad natin. At sa pagiging tao niya, nagpakumbaba siya at naging masunurin sa Diyos hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krus. Kaya naman itinaas siyang lubos ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan
Mga Taga-Filipos 2:4-9 Ang Biblia (TLAB)
Huwag tingnan ng bawa't isa sa inyo ang sa kaniyang sarili, kundi ang bawa't isa naman ay sa iba't iba. Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito'y na kay Cristo Jesus din naman: Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus. Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan
Mga Taga-Filipos 2:4-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili. Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus. Kahit siya'y likas at tunay na Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang alipin. Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao. At nang si Cristo'y maging tao, nagpakumbabá siya at naging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus. At dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos, at ibinigay sa kanya ang pangalang higit sa lahat ng pangalan.
Mga Taga-Filipos 2:4-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)