Mga Taga-Filipos 3:13 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Taga-Filipos 3:13 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Mga kapatid, hindi ko ipinapalagay na nakamit ko na ito. Ngunit isang bagay ang ginagawa ko: nililimot ko ang nakaraan at sinisikap na marating ang layuning nais kong makamtan.
Mga Taga-Filipos 3:13 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Mga kapatid, hindi ko sinasabing naabot ko na ang ganap na buhay. Ngunit ito ang ginagawa ko ngayon: Kinakalimutan ko na ang nakaraan at pinagsisikapan kong makamtan ang nasa hinaharap.
Mga Taga-Filipos 3:13 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Mga kapatid, hindi ko ipinapalagay na nakamit ko na ito. Ngunit isang bagay ang ginagawa ko: nililimot ko ang nakaraan at sinisikap na marating ang layuning nais kong makamtan.
Mga Taga-Filipos 3:13 TLAB (Ang Biblia)
Mga kapatid, hindi ko pa inaaring inabot: datapuwa't isang bagay ang ginagawa ko, na nililimot ang mga bagay na nasa likuran, at tinutungo ang mga bagay na hinaharap
Mga Taga-Filipos 3:13 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
Mga kapatid, hindi ko pa inaaring inabot: datapuwa't isang bagay ang ginagawa ko, na nililimot ang mga bagay na nasa likuran, at tinutungo ang mga bagay na hinaharap