Mga Kawikaan 10:13-17
Mga Kawikaan 10:13-17 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa labi ng may unawa matatagpuan ang karunungan, ngunit sa likod ng isang mangmang, pamalo ang kailangan. Ang taong matalino'y nag-iimpok ng karunungan, ngunit ang salita ng mangmang ay nagdadala ng kapahamakan. Ang kayamanan ng mayama'y matibay niyang tanggulan, ngunit ang kahirapan ng yagit ay kanyang kapahamakan. Ang kinikita ng matuwid ay nagbibigay-buhay, ngunit ang sa masama, winawaldas sa kasamaan. Ang nakikinig sa payo ay nasa daan ng buhay, ngunit ang ayaw sumunod ay tungo sa pagkaligaw.
Mga Kawikaan 10:13-17 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nagsasalita ng karunungan ang taong may pang-unawa, ngunit ang walang pang-unawa ay nagsasalita tungo sa kanyang kapahamakan. Nagdadagdag ng kaalaman ang taong may karunungan, ngunit ang mga hangal ay nagsasalita tungo sa kanyang kapahamakan. Seguridad ng mayaman ang kanyang kayamanan, ngunit kapahamakan naman ng mahirap ang kanyang kahirapan. Ang gantimpala ng matuwid ay maganda at mahabang buhay, ngunit ang gantimpala ng masama ay kaparusahan. Ang taong nakikinig sa pagtutuwid sa kanyang pag-uugali ay mapapabuti at hahaba ang buhay, ngunit ang taong hindi nakikinig ay maliligaw ng landas.
Mga Kawikaan 10:13-17 Ang Biblia (TLAB)
Nasusumpungan sa mga labi ng mabait ang karunungan: nguni't ang pamalo ay sa likod ng walang unawa. Ang mga pantas ay nagiimbak ng kaalaman: nguni't ang bibig ng mangmang ay kasalukuyang ikapapahamak. Ang kayamanan ng mayaman ay ang kaniyang matibay na bayan: ang kapahamakan ng dukha ay ang kanilang karalitaan. Ang gawa ng matuwid ay patungo sa buhay; ang bunga ng dukha ay sa pagkakasala. Nasa daan ng buhay siyang nakikinig ng saway: nguni't siyang nagpapabaya ng saway ay nagkakamali.
Mga Kawikaan 10:13-17 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sa labi ng may unawa matatagpuan ang karunungan, ngunit sa likod ng isang mangmang, pamalo ang kailangan. Ang taong matalino'y nag-iimpok ng karunungan, ngunit ang salita ng mangmang ay nagdadala ng kapahamakan. Ang kayamanan ng mayama'y matibay niyang tanggulan, ngunit ang kahirapan ng yagit ay kanyang kapahamakan. Ang kinikita ng matuwid ay nagbibigay-buhay, ngunit ang sa masama, winawaldas sa kasamaan. Ang nakikinig sa payo ay nasa daan ng buhay, ngunit ang ayaw sumunod ay tungo sa pagkaligaw.
Mga Kawikaan 10:13-17 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Nasusumpungan sa mga labi ng mabait ang karunungan: Nguni't ang pamalo ay sa likod ng walang unawa. Ang mga pantas ay nagiimbak ng kaalaman: Nguni't ang bibig ng mangmang ay kasalukuyang ikapapahamak. Ang kayamanan ng mayaman ay ang kaniyang matibay na bayan: Ang kapahamakan ng dukha ay ang kanilang karalitaan. Ang gawa ng matuwid ay patungo sa buhay; Ang bunga ng dukha ay sa pagkakasala. Nasa daan ng buhay siyang nakikinig ng saway: Nguni't siyang nagpapabaya ng saway ay nagkakamali.