Mga Kawikaan 14:29-33
Mga Kawikaan 14:29-33 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang hinahon ay nagpapakilala ng kaunawaan, ngunit ang madaling pagkagalit ay tanda ng kamangmangan. Ang isip na tiwasay ay nagpapahaba ng buhay, ngunit ang kapusukan ay nagbibigay ng kapahamakan. Ang umaapi sa mahirap ay humahamak sa Maykapal, ngunit ang matulungi'y nagdudulot ng karangalan. Ang masama ay ibinabagsak ng sariling kasamaan, ngunit ang kanlungan ng matuwid ay ang kanyang kabutihan. Sa isip ng may unawa ang nananahan ay karunungan, ngunit ang mangmang ay walang kaalaman.
Mga Kawikaan 14:29-33 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang mapagpasensya ay mas higit ang karunungan, ngunit ang madaling magalit ay nagpapakita ng kahangalan. Ang payapang isipan ay nagpapalusog ng katawan, ngunit ang pagkainggit ay tulad ng kanser sa buto. Ang nang-aapi ng mahihirap ay hinahamak ang Dios na lumikha sa kanila, ngunit ang nahahabag sa mahihirap ay pinararangalan ang Dios. Mapapahamak ang masama dahil sa kanyang masamang gawain, ngunit ang mga matuwid ay iingatan dahil sa kanilang pagkamakadios. Ang karunungan ay nasa isip ng taong may pang-unawa, ngunit ang mangmang ay walang nalalamang kahit ano tungkol sa karunungan.
Mga Kawikaan 14:29-33 Ang Biblia (TLAB)
Siyang makupad sa pagkagalit ay may dakilang paguunawa: nguni't siyang madaling magalit ay nagbubunyi ng kamangmangan. Ang tiwasay na puso ay buhay ng katawan: nguni't ang kapanaghilian ay kabulukan ng mga buto. Siyang pumipighati sa dukha ay humahamak sa Maylalang sa kaniya. Nguni't siyang naaawa sa mapagkailangan ay nagpaparangal sa kaniya. Ang masama ay manahagis sa kaniyang masamang gawa: nguni't ang matuwid ay may kanlungan sa kaniyang kamatayan. Karunungan ay nagpapahinga sa puso niya na may paguunawa: nguni't ang nasa loob ng mga mangmang ay nalalaman.
Mga Kawikaan 14:29-33 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang hinahon ay nagpapakilala ng kaunawaan, ngunit ang madaling pagkagalit ay tanda ng kamangmangan. Ang isip na tiwasay ay nagpapahaba ng buhay, ngunit ang kapusukan ay nagbibigay ng kapahamakan. Ang umaapi sa mahirap ay humahamak sa Maykapal, ngunit ang matulungi'y nagdudulot ng karangalan. Ang masama ay ibinabagsak ng sariling kasamaan, ngunit ang kanlungan ng matuwid ay ang kanyang kabutihan. Sa isip ng may unawa ang nananahan ay karunungan, ngunit ang mangmang ay walang kaalaman.
Mga Kawikaan 14:29-33 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Siyang makupad sa pagkagalit ay may dakilang paguunawa: Nguni't siyang madaling magalit ay nagbubunyi ng kamangmangan. Ang tiwasay na puso ay buhay ng katawan: Nguni't ang kapanaghilian ay kabulukan ng mga buto. Siyang pumipighati sa dukha ay humahamak sa May-lalang sa kaniya. Nguni't siyang naaawa sa mapagkailangan ay nagpaparangal sa kaniya. Ang masama ay manahagis sa kaniyang masamang gawa: Nguni't ang matuwid ay may kanlungan sa kaniyang kamatayan. Karunungan ay nagpapahinga sa puso niya na may paguunawa: Nguni't ang nasa loob ng mga mangmang ay nalalaman.