Mga Kawikaan 19:1-11
Mga Kawikaan 19:1-11 Ang Salita ng Dios (ASND)
Mas mabuti pa ang mahirap na namumuhay nang matuwid kaysa sa hangal na sinungaling. Maging masigasig ka man ngunit walang nalalaman, wala rin itong kabuluhan. Kapag ikaw naman ay pabigla-bigla madali kang magkakasala. Kamangmangan ng tao ang nagpapahamak sa kanyang sarili, at pagkatapos sa PANGINOON ibinabaling ang sisi. Ang mayaman ay maraming kaibigan, ngunit ang mahirap namaʼy iniiwanan ng kaibigan. Ang saksing sinungaling ay parurusahan, at ang nagsisinungaling ay hindi makakatakas sa kaparusahan. Marami ang lumalapit sa pinunong mabait, at sa mapagbigay ang lahat ay nakikipagkaibigan. Ang mahihirap ay iniiwasan ng mga kamag-anak, at lalo na ng mga kaibigan. Kapag sila ay kailangan hindi sila matagpuan. Ang taong nagsisikap na magkaroon ng karunungan ay nagmamahal sa sarili, at ang nagpapahalaga sa pang-unawa ay uunlad. Ang hindi tapat na saksi ay parurusahan, at ang sinumang nagsisinungaling ay mapapahamak. Hindi bagay sa taong mangmang ang mamuhay sa karangyaan, at mas lalong hindi bagay sa isang alipin ang mamuno sa mga pinuno. Kung ikaw ay mahinahon, nagpapakita lang na marunong ka. At kung pinapatawad mo ang nagkasala sa iyo, makapagdudulot ito ng karangalan sa iyo.
Mga Kawikaan 19:1-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mas mabuti ang mahirap na marangal ang pamumuhay, kaysa taong masalita ngunit walang nalalaman. Masugid man kung mangmang, walang mapapakinabang; ang kawalan ng tiyaga'y magbubulid sa kaguluhan. Ipinapahamak ng mangmang ang kanyang sarili, pagkatapos si Yahweh ang kanyang sinisisi. Ang kayamana'y umaakit ng maraming kaibigan, ngunit ang mahirap ay tinatalikuran ng dating kasamahan. Ang bulaang saksi ay tiyak na mapaparusahan, at ang sinungaling ay wala ring tatakbuhan. Marami ang lumalapit sa taong mabait, at sa taong bukás-palad, lahat ay malapit. Kung ang mahirap ay tinatalikuran ng mismong kapatid, wala na itong magiging kaibigan, kaninuman lumapit. Ang nagsisikap matuto, sa sarili ay nagmamahal, ang nagpapahalaga sa karunungan ay magtatagumpay. Ang bulaang saksi ay tiyak na mapaparusahan, at ang sinungaling ay wala ring tatakbuhan. Ang masaganang pamumuhay ay di angkop sa isang mangmang; gayon din ang alipin, di dapat mamuno sa mga dugong bughaw. Ang kahinahunan ay nagpapakilala ng katalinuhan, ang pagpapatawad sa masamang ginawa sa kanya ay kanyang karangalan.
Mga Kawikaan 19:1-11 Ang Biblia (TLAB)
Maigi ang dukha na lumalakad sa kaniyang pagtatapat kay sa suwail sa kaniyang mga labi at mangmang. Gayon din ang kaluluwa na walang kaalaman ay hindi mabuti; at siyang nagmamadali ng kaniyang mga paa ay nagkakasala. Ang kamangmangan ng tao ay sumisira ng kaniyang lakad; at ang kaniyang puso ay nagagalit laban sa Panginoon. Ang kayamanan ay nagdadagdag ng maraming kaibigan: nguni't ang dukha ay hiwalay sa kaniyang kaibigan. Ang sinungaling na saksi ay walang pagsalang parurusahan; at ang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay hindi makatatahan. Marami ang mamamanhik ng lingap sa magandang-loob: at bawa't tao ay kaibigan ng nagbibigay ng mga kaloob. Ipinagtatanim siya ng lahat ng kapatid ng dukha: gaano pa nga kaya ang ilalayo sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan! Kaniyang hinahabol sila ng mga salita, nguni't wala na sila. Siyang nagiimpok ng karunungan ay umiibig sa kaniyang sariling kaluluwa: siyang nagiingat ng pagunawa ay makakasumpong ng mabuti. Ang sinungaling na saksi ay walang pagsalang parurusahan; at ang nagbabadya ng mga kasinungalingan ay mamamatay. Maayos na pamumuhay ay hindi magaling sa mangmang; lalo na sa alipin na magpuno sa mga pangulo. Ang bait ng tao ay nagpapakupad sa galit. At kaniyang kaluwalhatian na paraanin ang pagsalangsang.
Mga Kawikaan 19:1-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mas mabuti ang mahirap na marangal ang pamumuhay, kaysa taong masalita ngunit walang nalalaman. Masugid man kung mangmang, walang mapapakinabang; ang kawalan ng tiyaga'y magbubulid sa kaguluhan. Ipinapahamak ng mangmang ang kanyang sarili, pagkatapos si Yahweh ang kanyang sinisisi. Ang kayamana'y umaakit ng maraming kaibigan, ngunit ang mahirap ay tinatalikuran ng dating kasamahan. Ang bulaang saksi ay tiyak na mapaparusahan, at ang sinungaling ay wala ring tatakbuhan. Marami ang lumalapit sa taong mabait, at sa taong bukás-palad, lahat ay malapit. Kung ang mahirap ay tinatalikuran ng mismong kapatid, wala na itong magiging kaibigan, kaninuman lumapit. Ang nagsisikap matuto, sa sarili ay nagmamahal, ang nagpapahalaga sa karunungan ay magtatagumpay. Ang bulaang saksi ay tiyak na mapaparusahan, at ang sinungaling ay wala ring tatakbuhan. Ang masaganang pamumuhay ay di angkop sa isang mangmang; gayon din ang alipin, di dapat mamuno sa mga dugong bughaw. Ang kahinahunan ay nagpapakilala ng katalinuhan, ang pagpapatawad sa masamang ginawa sa kanya ay kanyang karangalan.
Mga Kawikaan 19:1-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Maigi ang dukha na lumalakad sa kaniyang pagtatapat Kay sa suwail sa kaniyang mga labi at mangmang. Gayon din ang kaluluwa na walang kaalaman ay hindi mabuti; At siyang nagmamadali ng kaniyang mga paa ay nagkakasala. Ang kamangmangan ng tao ay sumisira ng kaniyang lakad; At ang kaniyang puso ay nagagalit laban sa Panginoon. Ang kayamanan ay nagdadagdag ng maraming kaibigan: Nguni't ang dukha ay hiwalay sa kaniyang kaibigan. Ang sinungaling na saksi ay walang pagsalang parurusahan; At ang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay hindi makatatahan. Marami ang mamamanhik ng lingap sa magandang-loob: At bawa't tao ay kaibigan ng nagbibigay ng mga kaloob. Ipinagtatanim siya ng lahat ng kapatid ng dukha: Gaano pa nga kaya ang ilalayo sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan! Kaniyang hinahabol sila ng mga salita, nguni't wala na sila. Siyang nagiimpok ng karunungan ay umiibig sa kaniyang sariling kaluluwa: Siyang nagiingat ng pagunawa ay makakasumpong ng mabuti. Ang sinungaling na saksi ay walang pagsalang parurusahan; At ang nagbabadya ng mga kasinungalingan ay mamamatay. Maayos na pamumuhay ay hindi magaling sa mangmang; Lalo na sa alipin na magpuno sa mga pangulo. Ang bait ng tao ay nagpapakupad sa galit. At kaniyang kaluwalhatian na paraanin ang pagsalangsang.