Mga Kawikaan 3:9-10
Mga Kawikaan 3:9-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Parangalan mo si Yahweh sa pamamagitan ng iyong mga kayamanan, at mula sa iyong mga pinakamainam na ani, siya ay iyo ring handugan. Sa gayon, kamalig mo ay lagi nang aapaw, sisidlan ng inumin ay hindi nga matutuyuan.
Mga Kawikaan 3:9-10 Ang Salita ng Dios (ASND)
Parangalan mo ang PANGINOON sa pamamagitan ng paghahandog sa kanya ng mga unang bunga ng iyong ani. Kapag ginawa mo ito, mapupuno ng ani ang iyong mga bodega at aapaw ang inumin sa iyong mga sisidlan.
Mga Kawikaan 3:9-10 Ang Biblia (TLAB)
Parangalin mo ang Panginoon ng iyong tinatangkilik, at ng mga unang bunga ng lahat mong ani: Sa gayo'y mapupuno ang iyong mga kamalig ng sagana, at ang iyong mga alilisan ay aapawan ng bagong alak.
Mga Kawikaan 3:9-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)