Mga Kawikaan 4:5-9
Mga Kawikaan 4:5-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Salita ko'y huwag mong lilimutin o tatalikuran, ang pang-unawa at karunungan, sikaping makamtan. Huwag mo itong pabayaan at ika'y kanyang iingatan, huwag mo siyang iiwanan at ika'y kanyang babantayan. Unahin mo sa lahat, pagtuklas ng karunungan, ito'y pilitin mong matamo kahit gaano kamahal. Karununga'y pahalagahan at ika'y kanyang itataas, bibigyan kang karangalan kapag iyong niyakap. Siya'y korona sa ulo, sakdal ganda, anong inam, at putong ng kaluwalhatian sa iyong katauhan.”
Mga Kawikaan 4:5-9 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pagsikapan mong magkaroon ng karunungan at pang-unawa. Huwag mong kalilimutan ang mga sinasabi ko at huwag kang hihiwalay dito. Huwag mong tanggihan ang karunungan, sa halip pahalagahan mo ito, dahil iingatan ka nito. Pinakamahalaga sa lahat ang karunungan at pang-unawa. Sikapin mong magkaroon nito kahit na maubos pa ang lahat ng kayamanan mo. Tanggapin moʼt pahalagahan ang karunungan, dahil magbibigay ito sa iyo ng karangalan. Magiging parang koronang bulaklak ito na magbibigay sa iyo ng kagandahan.”
Mga Kawikaan 4:5-9 Ang Biblia (TLAB)
Magtamo ka ng karunungan, magtamo ka ng kaunawaan; huwag mong kalimutan, ni humiwalay man sa mga salita ng aking bibig: Huwag mo siyang pabayaan at iingatan ka niya; ibigin mo siya at iingatan ka niya. Karunungan ay pinaka pangulong bagay; kaya't kunin mo ang karunungan: Oo, sa lahat mong kukunin ay kunin mo ang unawa. Iyong ibunyi siya, at kaniyang itataas ka: kaniyang dadalhin ka sa karangalan, pagka iyong niyakap siya. Siya'y magbibigay sa iyong ulo ng pugong na biyaya: isang putong ng kagandahan ay kaniyang ibibigay sa iyo.
Mga Kawikaan 4:5-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Salita ko'y huwag mong lilimutin o tatalikuran, ang pang-unawa at karunungan, sikaping makamtan. Huwag mo itong pabayaan at ika'y kanyang iingatan, huwag mo siyang iiwanan at ika'y kanyang babantayan. Unahin mo sa lahat, pagtuklas ng karunungan, ito'y pilitin mong matamo kahit gaano kamahal. Karununga'y pahalagahan at ika'y kanyang itataas, bibigyan kang karangalan kapag iyong niyakap. Siya'y korona sa ulo, sakdal ganda, anong inam, at putong ng kaluwalhatian sa iyong katauhan.”
Mga Kawikaan 4:5-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Magtamo ka ng karunungan, magtamo ka ng kaunawaan; Huwag mong kalimutan, ni humiwalay man sa mga salita ng aking bibig: Huwag mo siyang pabayaan at iingatan ka niya; Ibigin mo siya at iingatan ka niya. Karunungan ay pinaka pangulong bagay; kaya't kunin mo ang karunungan: Oo, sa lahat mong kukunin ay kunin mo ang unawa. Iyong ibunyi siya, at kaniyang itataas ka: Kaniyang dadalhin ka sa karangalan, pagka iyong niyakap siya. Siya'y magbibigay sa iyong ulo ng pugong na biyaya: Isang putong ng kagandahan ay kaniyang ibibigay sa iyo.