Mga Kawikaan 6:10-11
Mga Kawikaan 6:10-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaunting tulog, bahagyang idlip, sandaling pahinga at paghalukipkip, samantalang namamahinga ka ang kahirapa'y darating na parang armadong magnanakaw upang kunin ang lahat ng iyong kailangan.
Mga Kawikaan 6:10-11 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kaunting tulog, kaunting pahinga at ang paminsan-minsang paghalukipkip ng mga kamay, at hindi ninyo mamamalayan darating ang kahirapan na para kayong ninakawan ng tulisan.
Mga Kawikaan 6:10-11 Ang Biblia (TLAB)
Kaunti pang pagkakatulog, kaunti pang pagkaidlip, kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog: Sa gayo'y ang iyong karalitaan ay darating na parang magnanakaw, at ang iyong kasalatan na parang lalaking may sandata.
Mga Kawikaan 6:10-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kaunting tulog, bahagyang idlip, sandaling pahinga at paghalukipkip, samantalang namamahinga ka ang kahirapa'y darating na parang armadong magnanakaw upang kunin ang lahat ng iyong kailangan.
Mga Kawikaan 6:10-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Kaunti pang pagkakatulog, kaunti pang pagkaidlip, Kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog: Sa gayo'y ang iyong karalitaan ay darating na parang magnanakaw, At ang iyong kasalatan na parang lalaking may sandata.