Mga Awit 103:10-11
Mga Awit 103:10-11 Ang Salita ng Dios (ASND)
Hindi niya tayo pinarurusahan ayon sa ating mga kasalanan. Hindi niya tayo ginagantihan batay sa ating pagkukulang. Dahil kung gaano man kalaki ang agwat ng langit sa lupa, ganoon din kalaki ang pag-ibig ng Dios sa mga may takot sa kanya.
Mga Awit 103:10-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Di katumbas ng pagsuway, kung siya ay magparusa, hindi tayo sinisingil bagama't tayo'y may sala. Ang agwat ng lupa't langit, sukatin ma'y hindi kaya, gayon ang pag-ibig ng Diyos, sa may takot sa kanya.
Mga Awit 103:10-11 Ang Biblia (TLAB)
Siya'y hindi gumawa sa atin ng ayon sa ating mga kasalanan, ni gumanti man sa atin ng ayon sa ating mga kasamaan. Sapagka't kung paanong ang mga langit ay mataas kay sa lupa, gayon kalaki ang kaniyang kagandahang-loob sa kanila na nangatatakot sa kaniya.
Mga Awit 103:10-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Di katumbas ng pagsuway, kung siya ay magparusa, hindi tayo sinisingil bagama't tayo'y may sala. Ang agwat ng lupa't langit, sukatin ma'y hindi kaya, gayon ang pag-ibig ng Diyos, sa may takot sa kanya.
Mga Awit 103:10-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Siya'y hindi gumawa sa atin ng ayon sa ating mga kasalanan, Ni gumanti man sa atin ng ayon sa ating mga kasamaan. Sapagka't kung paanong ang mga langit ay mataas kay sa lupa, Gayon kalaki ang kaniyang kagandahang-loob sa kanila na nangatatakot sa kaniya.